National Museum Zoological Collection

Ispesimeng-Hayop Pagalan sa Ingles
Neoglyphea inopinata Living Fossil Glypheid
Banagan (Tagalog; Ilonggo; Cebuano) Painted Crayfish, Marine Crayfish or Spiny Lobster
Paru-paro Swallowtail Butterfly
Glory of the Sea Glory of the Sea. Conus gloriamaris Chemnitz, 1777
Kabayo-kabayohan Hedgehog Seahorse
Paru-parong Isda (Tagalog) Butterflyfish
Palakang Palayan; Palakang Bukid Brackishwater Frog
Pawikan Green Turtle
Buwaya Philippine Crocodile
Agila ng Pilipinas Philippine Eagle
Tandikan Palawan Peacock-Pheasant
Baboy Damo Palawan Bearded Pig
Pilandok Mouse-deer
Tamaraw o Timaraw Tamaraw; Dwarf Water Buffalo
Malmag, Mamag (Mindanao); Mago (Samar); Magau (Leyte) Philippine Tarsier




Panimula

Ang Pilipinas ay tirahan ng iba’t-ibang pambihirang hayop na hindi makikita sa ibang bahagi ng daigdig kundi dito lamang sa Pilipinas. Ilan sa mga kakaibang hayop na ito ay pinangangambahang mawala samantalang ang iba naman ay tuluyan nang naubos at di na makikita pa sa ilang. Ang Pambasang Museo ay may malaking koleksyon ng mga hayop mula sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas upang magkaroon ng talaan ng iba’t-ibang hayop sa Pilipinas. Ang mga hayop na ito na nakalap at nakolekta sa mga nagdaang dekada ay naging bahagi na ng ating ‘natural history’. Ang ilang halimbawa ng hayop na kabilang sa “guide” na ito ay lubhang luma na na maaaring nakolekta pa noong unang bahagi ng 1900. Ang ‘Zoology Reference Collection’ ng Pambansang Museo ay may 337,983 na nakatalang ispesimen na hayop. Ang mga sumusunod ay ang Ibon na may 19,465 na bilang; ang Mamal na may bilang na 4,342; ang Carsinolohiya (Krustasiya) ay 56,321; ang Herpetolohiya (reptilia at ampibia) naman ay 5,087; ang Insekto ay 43,600; ang Kongkolohiya (Shells) ay 153,831; ang mga Uod-dagat ay 8,957; ang Korals ay 5,252; ang Ekinolohiya (starfish at mga kauri nito) ay 22,467; ang Isda ay 16,461; at ang Spongha ay 2,200.

Ang mga ibon at mamal na mga ispesimen ay maaaring ma-preserbang balat na pinalamanan ng bulak o kaya ay ma-preserba sa pamamagitan ng pagbabad sa alcohol, karamihan ng pinag-aaralang ispesimen ng mga hayop ay nakapreserba sa pamamagitan ng pagbabad sa ‘ethyl alcohol’. Ang mga ispesimen naman na ginagamit para ipakita sa publiko ay nakapreserba sa pamamagitan ng paglagay ng bulak sa tinanggal na laman nito, at inaayos ayon sa natural na gawi ng hayop. Ang mga naka-preserba naman sa alcohol ay nakalagay sa mga bote at nakaayos sa lalagyang bakal o kahoy. Ang mga ispesimen na ito ay palagiang tinitignan kung ligtas sa mga amag at mga peste. Ang mga ito rin ay nakasulat sa katalogo ng Pambansang Museo at may mga nakakabit na pangalan ang mga ito gamit ang 𠆊id-free’ na papel. Ang mga basang ispesimen naman ay ginagamitan ng ‘tracing paper’ at sinisimulan ng pangalan gamit ang tintang di natutunaw sa alcohol. Ang ‘Reference Collection Area’ ay dapat naka-air-condition para maiwasan ang pagtaas ng temperatura ng lugar na ito at para maiwasan rin ang paglaganap ng amag at pagdami ng peste na magiging sanhi ng pagkasira ng mga ispesimen at ‘label’ nito.

Karamihan ng hayop na kasama sa gabay na ito ay pambihira dahil sa kanilang maliit na populasyon katulad ng pilandok, tandikan at ang ‘living fossil’ na glypheid. Ang ibang hayop tulad ng pambansang agila, tamaraw, baboy damo, pawikan, at iba pa ay nanganganib nang mawala dahil sa paghuli at sa pagsira ng kagubatan o dagat na kanilang tirahan.

Ang mga hayop na nabangit dito sa gabay ay nakaayos ayon sa panahon ng kanilang pagkakakilanlan.

Ang koleksyon ng ispesimeng-hayop na nakadeposito dito sa Pambansang Museo ay matibay na patunay na ang mga naturang hayop ay nabubuhay at matatagpuan sa Pilipinas. Sana ang kaalaman ukol sa mga hayop ng Pilipinas ay magbunsod sa isang resonableng pag-iingat ng mga Pilipino sa mga pambihirang hayop na ito.


hango sa

ANIMAL WONDERS

A Museum Handbook for Teachers

Free Web Hosting