Isla | Katutubo | Kultura | Kagamitan |
Luzon |
Ifugao |
- kilala sa buong daigdig ang mga Ifugao dahil sa kanilang bai-baitang na palayan (mga kabundukan na inihugis na parang higateng baitang). Ang mga ito ay makikita sa bayan ng Mayaoyao at Banaue. Gamit nila ang irigasyon ng tubig sa pagtatanim ng palay sa kanilang mga bai-baitang na palayan. Sa mga tuyong lugar naman, ang mga Ifugao ay nagtatanim din ng iba’t-ibang uri ng tanim tulad ng kamote at gulay. | Kumot ng Ifugao |
Panggayak sa ulo ng Ifugao | |||
Palawan |
Pala'wan |
- ang mga Pala’wan ay matatagpuan sa parteng kalahati ng timog ng isla ng Palawan. Ang mga ito ay nagkakaingin na ang pangunahing tanim ay palay. Ang Pala’wan ay isa sa mga grupong katutubo na hanggang sa ngayon ay gamit ang sinaunang sulatin ng Pilipinas. | Sinaunang Sulatin |
Tagbanwa |
- ang Tagbanwa ay ang pangunahing grupo ng katutubo sa Palawan. Sila ay nabubuhay sa pagkakaingin at kilala sa kanilang pagdidiwata. Ang pagdiwata ay ginaganap tuwing mayroong iba’t ibang okasyon tulad ng kasalan at pagpapasalamat sa saganang ani. Ang mga Tagbanwa ay isa sa mga grupong gumagamit ng sinaunang sulatin ng Pilipinas. | ||
Mindoro |
Mangyan |
- ang Mangyan ay pangkalahatang tawag sa mga katutubong taong nakatira sa isla ng Mindoro. Isa dito ay ang mga Hanunuo sa timog ng Oriental Mindoro; ang mga Buhid sa hilaga ng mga Hanunuo; ang mga Batangan, sa looban ng mga kagubatan sa hilaga ng mga Buhid; ang mga Ratagnon, sa dulo ng timog ng isla; ang mga Iraya, sa dulo ng hilaga ng isla; ang mga Tadyawan, sa silangan at hilagang silangan ng isla; at ang mga Alangan, sa lugar ng bundok Halcon. Ang natatanging pagkakakilanlan ng mga Mangyan ay ang paggamit, hanggang sa ngayon, ng sinaunang sulatin ng Pilipinas. Ang sulating ito ay galing sa India at ginagamit nila sa pagsulat ng ambahan o urukay, isang epikong kanta ng mga Mangyan. Sinusulat ito sa mga putol na kawayan gamit ang kutsilyo. Ang mga Hanunuo at Buhid lamang ang gumagamit ng sulating ito. Ang ambahan ay kinakanta ng mga Mangyan kasabay sa pagtugtog ng gitara, biyolin, at plauta. |
Sinaunang Sulatin |
Hanunuo |
|||
Buhid |
|||
Mindanao |
Bagobo |
- ang mga Bagobo ay matatagpuan sa silangan at timog bahagi ng Bundok Apo at sa silangang bahagi ng Cotabato. Ang mga Bagobo ay nabubuhay sa pagtatanim ng kaingin na palay at ng mais, kamote, saging at niyog. Ang mga Bagobo ay kilala din sa paggawa ng tie-dye na uri ng paghabi ng tela o damit. Ang mga damit nila ay pinapalamutian ng iba’t ibang uri ng abaloryo at burda. Kilala din ang mga Bagobo sa paggawa ng hinuhulmang palamuti na gawa sa tanso tulad ng mga kampana. |
Pantalon ng Bagobo |
Mindanao |
B'laan |
- ang mga B’laan ay matatagpuan sa lalawigan ng Davao del Sur at kalat din sa South Cotabato at Sultan Kudarat. Pagkakaingin ang pangunahing ikinabubuhay ng mga B’laan na tanim ay palay. Nangangaso din sila. Di maipagkaila na malaki ang pagbabago sa kultura ng mga Bagobo dahilan sa kanilang pakikipag-ugnayan sa mga taga-kapatagan. | Damit Pang-itaas ng B’laan |
Mindanao |
Mandaya/Mansaka |
- ang mga Mandaya ay matatagpuan sa lalawigan ng Davao Oriental. Sila ay namamalagi sa matataas na lugar na gamit ang pagkakaingin sa pagtatanim. Tanim nila ay palay, halamang-ugat, at saging. Ang abaka ay isa nilang pinagkakakitaan. Kilala ang mga Mandaya sa kanilang natatanging damit at palamuti. Sila ay naghahabi ng mga tela sa pamamagitan ng tie-dye na pamamaraan. Ang kanilang mga gawang abalaryo at mga gamit na gawa sa pilak ay isa sa mga magagandang palamuting pang-katawan sa mga katutubo dito sa Pilipinas. |
Punyal ng Mandaya |
Platong-pilak Pangdibdib ng Mandaya | |||
Basket ng Mandaya | |||
Mindanao |
Maranao |
- tawag sa kanila ay “mga tao sa lawa,” ang mga Maranao ay isa sa mga malalaking grupo ng muslim dito sa Pilipinas. Sila ay matatagpuan sa Lake Lanao na itinuturing na pinakamalaki at malalim na lawa dito sa bansa. May mga Maranao ding matatagpuan sa lalawigan ng Lanao del Sur at may iilan sa Lanao del Norte. Ang mga Maranao ay nagsasaka kung saan ang mga nasa kabundukan ay pagkakaingin ang pamamaraan ng pagtatanim. Ang mga nasa kapatagan naman ay nagtatanim ng palay na gamit ang irigasyon. Ang mga Maranao ay kilala sa paggawa ng mga hinabing tela, mga kahoy at metal na kagamitan. Isa sa mga kilalang disenyong ginagamit nila ay ang sari-manok at ang naga, isang pagpapakita sa pigurang manok at dragon o ahas. |
Tambol ng Maranao |
Kampilan ng Maranao | |||
Kulingtangan at korsi ng Maranao | |||
Mindanao |
Sama Dilaut |
- ang mga Sama Dilaut ay isang maliit na grupo na kilala sa tawag na sea gypsies ng mga tao sa bahaging kanluran. Matatagpuan sila sa Sitangkai, Tawi-tawi at Bongao. Ang mga ito ay madalas napagkakamalang mga Badjao na makikita sa bandang hilaga ng Borneo. Ayon sa mga Sama Dilaut, noong sila’y nasa Sabah ay madalas silang tinatawag na mga Badjao sapagkat halos walang pinagkaiba ang kultura nila sa mga taong ito na nakatira lang sa bangka. Ang mga Sama Dilaut ay mga manlalayag na nakatira sa kanilang bangka na tawag ay lepa. Gamit nila ang lepa para sa paglalayag sa iba’t-ibang lugar dito sa kapuluan mula Sulu hanggang Borneo. Nabubuhay sila sa pangingisda at ang kamoteng-kahoy ang kanilang pangunahin pagkain. | Barkong Lepa |
Tanda ng Libingan ng mga Sama | |||
Mindanao |
Tausog |
- ang mga Tausug ay matatagpuan sa lalawigan ng Sulu at namumuhay sila sa pagsasaka, pangingisda at pagkokopra. Ang relihiyon ng mga Tausug ay Islam at sila ay pinamumunuan ng sultan sa kani-kanilang komunidad. | Hinabing panakip sa ulo ng Tausug |
Mindanao |
Tagakaolo |
Damit Pang-itaas ng Tagakaolo |
hango sa