National Museum Zoological Collection
ZOOLOHIYA
Tandikan
Ang lalaking tandikan ay kaiba sa babae. Meron itong makintab na kulay bughaw na palong. May 2 hanggang 3 tahid sa bawat paa. Ang mga palamuting kulay sa balahibo ay kalimitang makinang samantalang ang babae ay kulay kape lamang at walang tahid. Sa pagliligawan, ang mga lalaking tandikan ay nagsasayaw sa hawan na lugar at ang pinakamagaling magsayaw ang siyang papansinin ng babaeng tandikan.
Ang tandikan ay sa Palawan lamang matatagpuan. Mahirap makita ang ibon na to sa loob ng kagubatan dahil sa pagkamahiyain at maingat nito. Maingat at mabilis itong lumalayo kapag nakaramdam ng kaaway. Ang pagkain nito ay prutas, mga buto, insekto, at iba pang maliliit na hayop.
Ang tandikan ay isang ‘endangered species’. Nanganganib na maubos ang populasyon nito dahil sa pagsira sa kagubatan at ang panghuhuli ng tandikan upang ibenta sa mga tindahan ng mga inaalagaang hayop. Nakabilang rin ito sa Appendix I ng CITES kung saan ang pag-eeksport at pagbibenta ay mahigpit na ipinagbabawal, isang paraan upang mailigtas sa tuluyang pagkaubos ang magandang ibon na ito.
hango sa