Philippine National Herbarium Collection
BOTANIKA

Klasipikasyon Mga Katangian ng Halaman Ispesimen

Mga Lumot

Ang dagat at pampang ang tinutubuan ng mga lumot-dagat. Dito, ang pula at kayumangging lumot ang nakararaming ‘photosynthetic organism’ samantalang ang berdeng lumot naman ang gumagawa nito sa tabang na tubig. Lahat sila ay matatagpuan sa tubig-tabang at sa dagat. Ang ibang berdeng lumot ay matatagpuan din sa lupa. Pinaniniwalaang ay ang berdeng lumot ang simula ng mga halaman sa lupa sapagka’t sila’y nagtataglay ng parehong katangian tulad ng ‘chlorophyll a’ at ‘b’ at ‘starch’ ang kanilang reserbang pagkain. Iba’t ibang uri ng pag-ikot ng buhay (life cycle) ang makikita sa iba’-ibang miyembro ng mga grupo ng lumot. Ang kanilang katawan na tinatawag na ‘thallus’ ay walang tunay na ugat, puno at dahon.

Ang lumot ang mahalagang pinagkukunan ng pagkain sa maraming bahagi ng mundo (halimbawa’y ‘kelps’, ‘sea lettuce’). Nagbibigay din sila ng ‘salts’, bitamina at mineral. Ang ‘kelps’ ang pinanggagalingan ng ‘alginates’ na ginagamit na pampalapot at ‘stabilizer’ ng pagkain, damit, pampaganda, papel at mga gamot. Ginagamit din silang pampataba ng lupa at sa paggawa ng ‘agar’. Ang ‘agar’ na siyang ginagamit sa paggawa ng mga kapsula ng gamot at bitamina, base ng mga pampaganda, materyal para sa paggawa ng ngipin at ‘culture medium’ para sa bakteria, ay maaaring ang pinakamahalagang gamit ng lumot.

Sargassum cristaefolium
Halymenia durvelliaei
Acanthopora spicifera

Mga Pako at Kahalintulad Nito

Ang mga pako, tulad ng mga halamang may buto, ay mayroon ding sistema ng daluyan ng tubig at pagkain. Ang pagkakaiba nga lamang ay ang pagkakaroon ng pako ng ‘spores’ na siyang nagsisilbing paraan ng kanilang pagpaparami. Ang mga pako ay mayroong malinaw na salitan ng pagbabagong-anyo sa kanilang buhay, ang ‘sporophyte’ o ang nagtataglay ng spore at ang ‘gametophyte’, ang nagtataglay ng mga ‘gametes’. Ang ‘sporophyte’ ay malalaki at ito ang mga halamang nakikita natin sa gubat. Ang ‘gametophyte’ ay napakaliit, kung minsa’y makikita lamang sa ilalim ng mikroskopyo at ito ang pinanggagalingan ng babae o lalaking ‘gamete’.

Isa sa pinakamahalagang pako na pangkabuhayan ay ang Azolla, isang ‘species’ na kumukuha ng oxygen sa hangin at tumutubo sa mga palayan ng Asya. Ang iba pang ‘species’ ay ginagamit na palamuti, materyal para sa mga yaring kamay o kaya’y kinakain.

Tinatayang mayroong 10,000 ‘species’ ng mga pako sa buong mundo at 1,199 ‘species’ ang matatagpuan sa Pilipinas. Sa mga ito, halos 30% ay dito lamang makikita.

79 ‘species’ naman o 26% ng mga ‘species’ na dito lang makikita ay nakilala lamang mula sa isang koleksyon at hindi na muling natagpuan. Sa nababawasang yaman ng ating kagubatan na tinitirahan ng mga halamang ito, hindi katakataka na ang mga halamang ito na mayroon lamang nag-iisang koleksyon ay tuluyan nang nawala.

Lygodium circinnatum
Selaginella tamariscina

Mga Halaman May Buto

Ang mga halamang may buto ay nahahati sa dalawang grupo, ang ‘gymnosperms’ (‘pines’, ȁycads’, ‘ginkgo’, ‘yew’, ‘alder’) at angiosperms o mga halamang namumulaklak (saging, damo, mangga, orkidyas). Karamihan sa mga ‘gymnosperms’ ay matatagpuan sa malalamig na lugar samantalang ang mga halamang namumulaklak ay matatagpuan sa halos lahat nang lugar. Ang mga ‘angiosperms’ ay may bulaklak at may butong nasa loob ng bunga. Ang pagkakaroon ng bunga ng mga ‘angiosperms’ ang dahilan ng kanilang malawakang pagkalat kung ihahambing sa ibang grupo ng halaman. Ang pagkalat ng mga bunga ay nagagawa sa pamamagitan ng hangin, hayop at tubig. Ang pagpapabunga naman ay nagaganap sa pamamagitan ng paglipad ng ‘pollen’ mula sa ‘anther’ at ang pagdapo nito sa ‘stigma’ ng bulaklak. Ang mga tumutulong sa pagpapabunga ay hangin, tubig, mga insekto at iba pang hayop.

Ang mga halamang may buto ang pinakamahalagang halamang pangkabuhayan. Sila ang pinagkukunan ng pagkain (bigas, mais, prutas, gulay) at mga gamot. Binabawasan nila ang polusyon sa hangin sa pamamagitan ng pagbabago nito upang maging ‘oxygen’ at tubig.

Tinatayang may 235,000 ‘species’ ng mga halamang namumulaklak ang nailarawan at napangalanan na sa ngayon. Mga 8,000 ‘species’ naman ang matatagpuan sa Pilipinas.

Vanda ssanderiana
Rafflesia speciosa
Phoenix loureiroi
Senna alata
Mimosa pudica

Mga Halamang Nagiging Sanhi ng Allergy

Sa mga halamang nabubuhay sa paligid natin, mahalagang makilala ang mga halamang may mga ‘pollen’ na nadadala ng hangin. Pag sila ay nagsasabog ng ‘pollen’, ang mga ito ay kumakalat sa himpapawid at nagdudulot ng paghihirap sa mga may sakit na ‘allergy’. Ang mga ito ay nagkakaroon ng ‘asthma’, ‘rhinitis’, ‘alveolitis’, ‘conjunctivitis’ at ‘dermatitis’.

Ang halimbawa ng ilang halaman na nagdudulot ng ‘allergy’ ay ang mga uray (Amaranthus spinosus L.), ‘tridax’ (Tridax procumbens L.) at buntot-pusa [Pennisetum polystachyon (L.) Schult].

Sa mga halamang nagtataglay ng ‘cones’, ang ‘pollen grains’ nito ay nabubuo sa ‘sporangia’ ng mga ‘cones’ na lalaki. Sa mga halamang namumulaklak naman, ang ‘pollen grains’ ay nasa ‘anther’. Karamihan sa mga bulaklak na mayroong ‘pollen’ na nadadala ng hangin ay may mahahaba at umiindayog na ‘anther’ upang sila’y makagalaw nang husto sa hangin.

Ang anyo ng mga ‘pollen grains’ ay mailalarawan upang makilala ang mga ito. Halimbawa, ang ‘pollen grains’ ng ‘foxtail’ (Pennisetum polystachyon (L.) Schult) ay ‘monoporate’. Ang balat nito ay mukhang makinis sa ilalim ng light microscope’ pero kung titingnan sa ilalim ng ‘scanning electron microscope’, ito ay nahahati sa mga ‘frustillae’. Ang ‘pollen grain’ ng makahiya (Mimosa pudica L. ) ay isang ‘tetrad’ at ang balat ng bawat butil ay ‘areolate’. Ang ‘pollen grain’ ng uray (Amarabthus spinosus L.) ay maraming butas sa balat.

Sa kabutihang-palad, ang mga ‘pollen grains’ na nagdudulot ng ‘respiratory allergy’ ang siya ring ginagamit sa pagsusuri ng balat (diagnosis) at paggagamot (immunotherapy) nito. Dalisay, malinis at tuyong ‘pollen’ ang kailangan ng industriya ng gamot. Sa pamamagitan ng isang proyektong pananaliksik na sinusuportahan nang National Research Council of the Philippines, ang mga halamang nagdudulot ng ‘allergy’ ay maaring alagaan upang makagawa ng mga produktong galing sa ‘pollen’. Ito’y makatutulong upang madagdagan ang kinikita nating dolyar kung ang sarili nating mga ‘pollen’ ay ikokomersiyo dito.

Amaranthus spinosus
Tridax procumbens
Pennisetum polystachyon

Mga Halamang Singaw

Maaaring sila’y mukhang halaman subali’t ang mga halamang-singaw ay mas malapit ang relasyon sa hayop kaysa halaman. Kaiba sa mga halaman, na ang iniimbak na pagkain ay ‘starch’, ang reserbang pagkain ng halamang-singaw ay ‘glycogen’ at ang kanilang balat ay nagtataglay ng ‘chitin’ kapareho ng mga alimasag at insekto. Sila ay dumarami sa pamamagitan ng ‘spores’ na tinatangay ng hangin. Ang mga ‘spores’ na ito ay lumalaki at nagiging ‘hyphae’ na kapag dumami ay tinatawag na ‘mycelium’. Sapagka’t hindi sila gumagawa ng kanilang sariling pagkain sa pamamagitan ng ‘photosynthesis’, sila’y kumukuha ng pagkain sa pinagtutubuan nilang halaman bilang ‘parasites’, mula sa patay na organikong materyal bilang ‘saprophytes’ at sa pakikipagtulungan sa mga lumot (algae) sa anyong ‘lichen’.

Ang halamang-singaw, katulad ng ‘bacteria’, ang pangunahing tagabulok ng mga bagay na may buhay. Sila ang sumisira ng mga organikong materyal at ibinabalik nila ito sa lupa upang magamit muli. Sila ay mahalaga sa industriya ng gamot sapagka’t sila ang pinagkukunan ng mga ‘antibiotics’ kagaya ng ‘penicillin’ at ‘cyclosporine’. Ang ‘cylosporine’ ay ginagamit upang mabawasan ang pagkakataong tanggihan ang isang ‘organ’ na isinalin (organ transplant). May mga ‘species’ ng halamang-singaw na kinakain at mga piling pagkain pa, subali’t ang iba ay nakalalason (Amanita). Ang iba naman ay mga peste at ‘parasite’ sa hayop at tao, at dahilan ng alipunga, buni at balakubak. Sila ay nagiging dahilan din ng kanser katulad ng ‘aflatoxin’ sa mani.

Ganoderma lucidum
Auricularia auricula-juae

hango sa

THE PLANT WORLD

A Museum Handbook for Teachers

Free Web Hosting