National Museum Geological Collection
HEOLOHIYA

Klasipikasyon ng Koleksyon/Ispesimen Ispesimen Lugar na Pinagkunan
Mga Bato Gabbro Matiko Creek, Sapang Maasin Quezon, Palawan. Bulacan, Antique, Iloilo, Aklan, Agusan del Norte, Marinduque, Zambales at Camarines Sur.
Tektites Cagayan Valley, Pangasinan, Rizal, Bicol, Iloilo at Agusan.
Sericite Schist Paukan Creek, Mansalay, Mindoro Oriental. Camarines Norte at Palawan.
Diorite Bo. Tagbac, Antipolo, Rizal. Palawan, Bulacan, Cebu, Surigao del Norte, Rizal, Nueva Vizcaya, Zamboanga City, Bohol, Agusan del Norte, Marinduque at Camarines Norte.
Serpentinite Panitian, Quezon, Palawan. Mindoro Oriental, Zambales, Samar, Rizal, Antique, Camarines Norte, Aklan, Bohol, Tarlac, Marinduque, Leyte, Agusan del Norte, Surigao del Norte at Cebu.
Mga Mineral Luzonite Lepanto Mines sa Mankayan, Benguet.
Azurite Sipalay, Negros Occidental. Zambales, Marinduque, Cebu, Negros Occidental, Negros Oriental, Nueva Vizcaya, Isabela at Mindoro.
Marcasite Brgy. Narra, San Marcelino, Zambales.
Mga Labi ng Buhay Stegodon luzonensis Solana, Cagayan at Rizal, Kalinga Apayao.
Elephas sp Sitio Bitoguan, Brgy. Jelicuon, Cabatuan, Iloilo.
Petrified Wood Bagong Bantay, Quezon City. Cagayan, Kalinga Apayao, Pangasinan, Bulacan, Bataan, Iloilo, Bohol, La Union, Rizal, Marinduque, Manila, Agusan del Norte, Negros Occidental, Legaspi City, Cavite, Semirara Island at Zambales.
Rhinoceros philippinensis kuta ng Bonifacio.
Ammonites sapa ng Tignoan, Mansalay, isang bayan sa isla ng Mindoro.timog ng look ng Mansalay malapit sa Colasi Pt. sa timog silangang Mindoro.




Panimula


Isa sa pangunahing layunin ng dibisyon ng Heolohiya ng Pambansang Museo ay magsagawa ngmasusi at sistematikong pag-aaral tungkol sa mga bato, mineral at fossil para sa pagpapalaganap ng kaalaman at pagtataguyod ng ikauunlad ng siyensiyang pangkalikasan. Ito ay naglalayon rin na magtatag at magpanatili ng sapat na koleksyon ng mga bato, mineral at fossil mula sa Pilipinas sa pamamagitan ng pangongolekta, pakikipagpalitan at donasyon.

Ang mga bato ang pangunahing materyal na bumubuo sa mundo o sangkalupaan. Ang arkitektura ng ating planeta ay bunga ng pagkakaroon ng iba’t ibang uri ng bato, ang posisyon at direksyong kanilang pinanigan at prosesong pinagdaanan nito. Isinasalarawan ng mga dalubhasa sa pag-aaral ng mundo na ang bato ay kombinasyon ng dalawa o maraming mineral. Ang mga halimbawa ng bato ay serpentinite, diorite, gabbro, schist at tektite.

Ang mga mineral ay natural na materyal na nabuo sa mundo. Sila ay hindi nabuo ng hayop, halaman o tao. Bukod-doon, ang mga mineral ay nagtataglay ng pisikal na katangian at binubuo ng mga sangkap na kemikal. Ang ore ay isang mineral o kombinasyon ng mga mineral na may kahalong gangue (mineral na walang importansya) na sa pananaw ng mga minero ay pwedeng pagkakitaan at sa pananaw naman ng mga metallurgist (dalubhasa sa mga metal) ay pwedeng isaayos at pagkakitaan. Ang mga halimbawa ng mineral ay luzonite, azurite, at marcasite.

Ang mga fossil ay labi o bakas ng mga organismo (hal. hayop at halaman). Sila ay natagpuang preserbado sa mga suson ng bato. Ang fossil ay pwedeng buo o parte ng organismo tulad ng kabibe o dahon o pwede rin namang bakas ng hayop. Ang bakas na fossil ay ang tanda na naiwan sa suson ng bato na nagpapahiwatig ng mga aktibidades ng organismo. Ang mga halimbawa ng fossil ay kahoy na naging bato, elepante, bagang ng rhinoceros at ammonite.

Ang mga mahahalagang bato, mineral at fossil ay matatagpuan sa mga outcrops, burol at bundok; sa mga guhong dalisdis at lambak; sa mga lugar ng konstruksyon; sa gilid ng daan; sa mga baybay ng sapa at ilog; at sa tambak ng mga bato sa mga minahan.

Dalawang importanteng bagay ang kailangang tandaan kapag nangongolekta ng mga bato, mineral at fossil, ang pag-iingat ng talaan ng mga ispesimens at paggamit ng wastong kagamitan sa pagkuha ng mga ispesimens. Ang mga wastong kagamitan ay binubuo ng martilyong pambato, pait na bakal, nagpapalaking salamin, kumpas, guwantes, salamin sa mata, plastik, permanenteng panulat, notbuk at librong pamatnubay. Ang tala ng mga nakolektang ispesimens ay binubuo ng pangalan, uri at eksaktong lugar na pinagkuhanan o pinanggalingan ng mga ispesimens at kung maaari ay maikling pagsasalarawan ng naturang lugar.

Ang pag-sasaayos, pag-oorganisa at pagtatago ng ispesimens ay isang masusing paraan at sistema. Pagkatapos kolektahin, ang ispesimen ay nililinis sa pamamagitan ng sepilyo o iskoba upang alisin ang nakadikit na lupa o dumi at pagkatapos ay ibinabanlawan ng tubig na galing sa gripo at pinatutuyo sa hangin. Kung ang koleksyon ay mga fossils, makabubuting isang taong sanay sa ganitong gawain ang magsagawa ng maingat na paglilinis at pagsasaayos o pagkukumpuni, kung kinakailangan. Ang mga nakolektang ispesimens ay isinasaayos sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng magkakatulad na pangalan at uri. Ang ispesimen ay minamarkahan sa pamamagitan ng paglalagay ng puting pinturang pambato sa isang sulok nito. Pagkatuyo, ang numero ayon sa sistema ng pag-aaccession ng museo ay isinusulat dito. Pinapahiran din ang numero ng barnis o pampakintab sa kuko para maiwasan ang pagniniklap. Matapos linisin, uriin at markahan, ang mga ispesimens ay inilalagay sa mga kahon na may hati at itinatago sa kabinet ayon sa kani-kanilang klasipikasyon.



hango sa

EARTH'S TREASURES

A Museum Handbook for Teachers

Free Web Hosting