National Museum Archeological Collection
ARKEOLOHIYA
Kapanahunan Paglalarawan Artipak Pook Panahon
Kapanahunang Palyolitik

(450,00 - 6,000 B.C.)

Ang lupang tulay ang nag-ugnay sa kapuluan at sa malaking bahagi ng Asya. Ang mga sinaunang tao ay nabuhay sa pangangaso at pangungulekta, at naglikha o paglilikha ng mga kagamitang yari sa bato. Tumira sila sa mga kweba at kanlungang bato na malapit sa dagat o ilog. Taliptip na bato Rantso sa Espinosa, Cagayan 16,000 - 8,000 B.C.
Bao ng bungo Kuweba sa Tabon, Quezon, Palawan 14,500 B.C.
Kapanahunang Neyolitik

(6,000 - 2,000 taon bago dumating si Kristo)

Nang tumaas ang tubig sa dagat at nawala ang mga lupang-tulay, naibagay ng sinaunang tao ang sarili sa bagong kapaligiran. Nilisan niya ang kweba at nanirahan sa baybaying dagat. Gumawa siya ng mga kagamitang yari sa pinakinis na bato, at iba pang kasangkapan para sa pag-uka ng kahoy, sa pag-ani at pagputol ng kahoy. Gumawa siya ng palayok at naglikha ng mga palamuti na yari sa bato, kabibe at buto. Daras na bato Kweba sa Arku, Peñablanca, Cagayan 5730 B.C.
Abaloryo Kweba sa Arku, Peñablanca, Cagayan 5730 B.C
Bilog na kabibe Kweba sa Duyung, Palawan 4850 - 4400 B.C.
Daras na kabibe

Kweba sa Duyung, Palawan

Kanlungang Bato ng Balobok, Sanga-Sanga, Tawi-Tawi

2680 B.C.
Sining sa bato ng Angono Binangonan, Rizal 2000 B.C.
Pamukpok sa telang balat ng kahoy Kweba sa Arku, Peñablanca, Cagayan 1255 - 605 B.C.
Pulseras na kabibe

Kweba ng Duyong at Leta .

Leta, Palawan; Kweba sa Bato, Sorsogon

1000 - 225 B.C.
Banga sa Manunggul

Kweba sa Manunggul, Lipuun

Pt. Palawan

895 - 775 B.C.
Kapanahunang Metal

(2,000 B.C. - 1000 A.D.)

Nagbago ang pamumuhay ng sinaunang tao nang lumitaw ang metal. Gumawa siya ng mahusay na mga kagamitan, at naglikha ng palamuti na yari sa metal. Siya ay naghabi, nagbungkal ng lupa, gumawa ng bangka at naglilok ng magagandang palayok. Palawit sa tainga Kweba sa Guri, Palawan 310 - 100 B.C.
Guwang na daras na yaring tanso Kweba sa Uyaw, Palawan 300 - 500 B.C.
Bangang hugis at anyong tao Kweba sa Maitum, Sarangani 5 BC-225 A.D.
Balanghay Libertad, Butuan City 322 A.D.
Kapanahunan ng pakikipag-ugnayan sa mga Dakilang Tradisyon sa Asya

(1000 A.D.)

Sa panahong ito lumitaw ang kalakal na seramik na sinunog sa pamamagitan ng mataas na temperatura. Kasama dito ang mga seramik ng daynastiyang Tang, Sung, Yuan, Ming at Ching. Ang mga lokal na palayok ng panahong ito ay may pamantayang sinusunod pagdating sa estilo, at ito’y hindi gaanung kumplikado. Makikita rin ang impluwensyang galing sa mga kalakal. Panatak na garing ng Butuan Libertad, Butuan, Agusan del Norte 1002 A.D.
Gintong maskara ng patay Oton, Iloilo 1300 - 1400 A.D.
Telang Banton Isla ng Banton, Romblon 1400 - 1500 A.D.

hango sa

CULTURES OF THE PAST

A Museum Handbook for Teachers

Free Web Hosting