Panahon | Kasaysayan | Likha | Alagad ng Sining |
Ika-18 na Siglo |
Ang mga pinakaluma sa koleksyon ay karaniwang may paksang panrelihiyon at binubuo ng mga imahen na gawa ng mga sinaunang Pilipino sa pag-uutos ng mga prayle. Ang mga nasa koleksyon ay lubhang mahahalaga. | Koronasyon ng Birhen (Icon) Retablo (Altar) |
Mga hindi kilalang manlililok sa Bohol, Panay, Cagayan, Cebu, Rehiyon ng Ilocos, At Bicol (Primitive School) |
Ika-19 na Siglo |
Noong mga huling panahon ng Kastila, ang pamamaraang Academism o sining pang salon ay pinangunahan nina Juan N. Luna at Felix Resurreccion Hidalgo, na ngayon ay kinikilalang mga maestro ng ika-19 na siglo. | Spoliarium
Mga iba pang manlilikha ng panahon: |
Juan Luna
Jose Rizal Felix Hidalgo Simon Flores, Fabian dela Rosa, Jose Pereira, Lorenzo Ma. Guererro, Miguel Zarragoza. |
1900s |
Noong panahon ng mga Amerikano, si Fernando C. Amorsolo, na kinilala bilang Unang Pambansang Alagad ng Sining, ay sumikat at nagtatag ng sarili niyang istilo na may paksang kabukiran, ginintuang sikat ng araw, at ang pamamaraan ng liwanag at dilim sa pagpinta. | Pagbaba mula sa Krus
Mga iba pang manlilikha na ang gawa’y nasa koleksyon |
Graciano T. Nepomuceno
Rafael Enriquez, Jorge Pineda, Victorio Edades, Vicente Rivera y Mir, Ramon Peralta, Teodoro Buenaventura, at Pablo Ocampo |
1920s |
Ang dekadang ito ay kinakitaan ng mga temang tungkol sa pang-araw-araw na pamumuhay, tanawin at still life gayon na rin ang simulain ng modernismo. | Busto ni Mons. G. Aglipay | Guillermo E. Tolentino |
1930s |
Simulain ng Modernismo at iba’t ibang sangay nito. | Mga manlilikha na ang gawa ay nasa koleksyon | Victorio Edades, Diosdado Lorenzo, Galo Ocampo, Carlos Francisco, Gabriel Custodio, Vicente Manansala, Ricarte Purruganan, Romeo Tabuena, at iba pa. |
1942-1945 |
Natigil pansamantala ang mga gawaing sining nang panahon ng Hapon. Subalit, may ilang mga alagad ng sining na nakagawa pa rin ng mga likhang nagpapakita ng resulta ng digmaan. | Mga manlilikhang ang gawa ay nasa koleksyon | Dominador Castañeda, Demetrio Diego, Diosdado Lorenzo, Romeo Tabuena, Gene Cabrera at iba pa. |
1946-1949 |
Nang umalis ang mga Hapon, nabuhay na muli ang sining. Iba’t ibang tema at istilo ang pinag-aralan at pinangunahan lalo na ng mga Filipinong galing sa ibang bansa. Ang pamamaraang mural ay pinangunahan ni Carlos V. Francisco. Itinatag ang Art Association of the Philippines (AAP) noong 1948. |
Pagkasunog ng Sto. Domingo | Fernando C. Amorsolo |
1950s |
Itinatag ang Philippine Art Gallery (PAG) ng mga kabataang may makabagong pamamaraan sa sining. Inilunsad ang iba’t-ibang adhikain o istilo na pinangunahan nina Carlos Francisco at Vicente Manansala. Nagsimula ang grupo ng “Mabini”. | Serye ng mga Pamaskong Kard . |
Manuel Rodriguez, Sr
Arturo R. Luz |
1960s |
Narating ng adhikaing modernismo ang rurok ng kasikatan at tagumpay. |
Tintang Isda Mga iba pang manlilikha ng panahon |
Ang Kiukok
Carlos “Botong” Francisco Vicente S. Manansala Napoleon V. Abueva Vicente Manansala, Cesar Legaspi, Ang Kiukok, Danilo Dalena, Ben Cabrera, Jose Joya, Nena Saguil, Jaime de Guzman, Angelito David, Norma Belleza, Antonio Austria, and Hernando Ocampo, Lamberto Hechanova, Eduardo Castrillo, at iba pa. |
1970s |
Karamihan sa mga alagad ng sining noong nakaraang dekada ay patuloy na nakagawa ng mga mahahalagang likha. Inilunsad and iba’t ibang adhikain tulad ng Sining para sa Masa, protest art, social realism at ang pagkilala sa mga Pambansang Alagad ng Sining (1972). 11 Pambansang Alagad ng Sining na may likhang nasa koleksyon: Fernando C. Amorsolo - 1972 (Pintura) Carlos V. Francisco -1973 (Pintura) Guillermo E. Tolentino -1973 (Iskultura) Victorio C. Edades -1974 (Pintura) Napoleon V. Abueva -1976 (Iskultura) Vicente S. Manansala -1981 (Pintura) Cesar T. Legaspi -1990 (Pintura) Hernando R. Ocampo -1991 (Pintura) Arturo V. Luz -1997 (Pintura) Jerry E. Navarro -1999 (Pintura/Iskultura) Ang Kiukok - 2001 (Pintura) |
Burol ng Nikko
Iba pang manlilikhang ang gawa’y nasa koleksyon |
Jose T. Joya
Edgar Fernandez, Papo de Asis, Lex Cachepero, Jose Blanco, Nemi Miranda, Vicente Reyes, Tam Austria, Mauro Malang, William Pascua, Abdul Mari Imao, Romulo Olazo, Norberto Carating, Nestor Vinluan, Pablo Baen Santos, Juvenal Sanso, Solomon Saprid, Jerusalino Araos, Oscar de Zalameda, Ramon Orlina, Rodolfo Ragodon, at iba pa. |
1980s |
Ang dekadang ito ay kinakitaan ng pagbabalik ng tradisyunal at katutubong sining. Ang makabagong iskultura ay naging bahagi ng arkitektura ng mga gusali at liwasang-bayan. |
Manlilikhang ang gawa’y nasa koleksyon | Eduardo Castrillo, Ramon Orlina, Solomon Saprid, Raul Isidro, Red Mansueto, Charito Bitanga, Phillip Victor, Emilio Aguilar Cruz, Federico Alcuaz, Al Perez, Virginia T. Navarro, Abdul Mari Imao, Rey Paz Contreras, Jerusalino Araos, Norris Castillo, at iba pa. |
1990s |
Tumambad ang mga bagong henerasyon ng pintor, iskultor, at manlilimbag na nagpapahayag ng kani-kanilang mga saloobin. Ang mga adhikain sa Europa at Amerika tulad ng installation art at experimental art ay pumasok sa bansa. Ang mga museo at iba pang mga bulwagang tanghalan ay naging bahagi na ng lipunan at nanguna sa pagpapalaganap ng sining biswal. |
Mga manlilikhang ang gawa’y nasa koleksyon | Ibarra dela Rosa, Prudencio Lamarroza, Elizabeth Chan, Eduardo Castrillo, Pacita Abad, Fil dela Cruz, Romulo Galicano, Symfronio Y. Mendoza, Godofredo Y. Mendoza, Rafael Pacheco, at iba pa. |
2000 hangang Kasalukuyan |
Malayo na ang narating ng sining biswal sa bansa. Mula sa primitibong pamamaraan hanggang sa makabagong avante garde, malaya ng pumili at tumuklas ang mga Pilipinong alagad ng iba pang pamamaraan sa sining biswal tulad ng tradisyonal, representasyonal, abstract expression, figurative expressionism, at non-objectivism. Ang sining biswal ngayon ay bukas sa mga makabagong adhikain at patuloy sa paglikha ng isang matatawag na sining Pilipino. |
_ | _ |
hango sa