National Museum Zoological Collection
ZOOLOHIYA



Pilandok











Ang pilandok ay isa sa pinakamaliit na ‘hoofed animal’. Wala pang isang piye ang sukat nito kapag nakatayo. Bagamat may pagkakahawig sa usa, ang pilandok ay mas may relasyon sa baboy at kamel, sa baboy dahil sa hitsura ng paa nito at sa kamel naman dahil sa straktura ng bungo at ngipin nito.

Ang pilandok ang nag-iisang ‘species’ sa Pamilya ng Tragulidae na makikita sa Southern Indochina, Java at Borneo. Sa Pilipinas, ito ay matatagpuan lamang sa Balabac at iba pang maliliit na karatig isla tulad ng Ramos, Bangkalan at Bugsuk.

Sa gabi ito madalas na gumala at mangalap ng pagkain. Sa araw, ito ay nagtatago sa makakapal na sukalan subalit may pagkakataon ring lumalabas ito kapag araw. Prutas, damo, at iba pang halaman ang kinakain ng pilandok. Ang babaeng pilandok ay nagluluwal ng isa hanggang dalawang anak bawat pagbubuntis.

Bagamat karaniwan ito sa mga nabanggit na lugar ng Palawan, ang pilandok ay pinangangam-bahang maubos bunga ng walang patid na panghuhuli sa mga ito sa gubat. Ang ‘species’ na ito ay ibinilang sa kategorya na ‘vulnerable’ ngunit di maglalaong malipat ito sa kategorya ng ‘endangered species’ kapag ipinagpatuloy ang matinding pangangaso. Kasama ito sa Philippine Red Data List ng Wildlife Conservation Society.


hango sa

ANIMAL WONDERS

A Museum Handbook for Teachers

Free Web Hosting