National Museum Zoological Collection
ZOOLOHIYA



Neoglyphea inopinata










Ang “Living Fossil Glypheid” ay isang mabilis na hayop sa dagat, lumalakad at kumakapit sa mga masangang bagay. Kung buhay, ang mata nito ay may nagliliwanag na ‘translucid orange’ at maaaninag na matinding kulay berdeng metal na dagling nawawala kapag patay na. Ito ay may sukat na 115 hanggang 123 milimetro.

Ang ‘glypheid’ na ito ay kabilang sa pangkat ng mga hayop na nabuhay noong panahon ng ‘Jurassic’ at inakalang naglaho sa umpisa ng panahong ‘Eocene’. Salungat sa sinasabi ng iba, ang grupo ng hayop na ito ay hindi nawala sa nakaraang 60 milyong taon bagkus ay kasalukuyan pa palang nabubuhay.

Ang Neoglyphea inopinata lamang ang tanging “living fossil” sa Pilipinas na matatagpuan sa isang malalim na ‘channel’ sa may Lubang Island mga 180 hanggang 200 metro ang lalim. Hindi pa gaanong napag-aaralan ang pambihirang hayop na ito dahil sa lalim ng tirahan nito. Sa kasalukuyan ay posibleng marami pang ganitong uri ng hayop sa maliit na lugar nitong ginagalawan subalit kailangan pa ng ibayong pag-aaral.

Ang ‘Jurassic species’ na ito ay nakolekta sa Lubang Island sa pamamagitan ng ‘beam trawl’. Ang kauna-unahang ‘glypheid’ ay nakolekta ng ‘Albatross steamship’, isang ‘oceanographic vessel’, noong ika-17 ng Hulyo taong 1908. Ito rin ang nagbunsod upang magkaroon ng ekspedisyon ang mga Pranses upang pag-aralan ang ‘living fossil’ na ito. Ang kauna-unahang ispesimen na ito ay isinantabi muna habang hindi pa natutukoy at nabibigyan ng pangalan sa loob ng 67 taon hanggang sa ito ay ipakita kay Michèle de Saint Laurent na kasalukuyang nag-aaral ng Thalassinids sa National Museum of Natural History at kay Jacques Forest ng Musèum National d` Histoire Naturelle. Noong ika-9 ng Hunyo taong 1975, inihayag ni Propesor P.P. Grasse sa Academie des Sciences ang paunang deskripsyon ng naunang ‘glypheid’, ang koleksyon ng ‘Albatross’ na kung saan nakuha ang pangalan nitong Neoglyphea inopinata.

Ang ekspedisyon (MUSORSTOM) ay isinagawa sa Maynila, Pilipinas noong Marso taong 1976 upang mangalap ng bagong “living fossil” sakay ng Vauban, isang sasakyang oseanograpiko. Ang MUSORSTOM ay nag-galadgad (trawl) sa eksaktong lugar kung saan nakolekta ang unang ‘glypheid’. Gamit ang galadgad, 9 na Neoglyphea inopinata ang nakolekta. 7 lalaki at 2 bata pa (juvenile) at lahat ay ipreneserba sa alcohol upang pag-aralan.


hango sa

ANIMAL WONDERS

A Museum Handbook for Teachers

Free Web Hosting