National Museum Zoological Collection
ZOOLOHIYA



Glory of the Sea






Glory of the Sea
Conus gloriamaris Chemnitz, 1777




Ang Glory of the Sea o Conus gloriamaris ay nagtataglay ng nakamamatay na lason. Mayroon itong kakaibang bahagi na tinatawag na ‘specialized radula system’ na ginagamit na panusok sa kaaway. Meron itong ngipin at panusok. Kapwa ‘mollusks’ din ang nais nitong kainin. Kailangan ang ibayong pag-iingat kapag hinawakan ang buhay na gloriamaris.

Ang sihe na ito ay matatagpuan sa buong Kanlurang Pacifico. Sa kasalukuyan, ang mga siheng ito ay matatagpuan lamang sa Pilipinas, Solomons at new Guinea. Sa Pilipinas, ito ay makikita sa Bohol, Cebu, Corregidor, at Negros sa malalalim na bahagi ng dagat.

Kung titingnan ang pambihira at sikat na siheng ito, masasabing ito ay pangit dahil sa mga marka nito sa palibot ng kanyang katawan. Kalimitan ay may basag at bitak pa ito. Naging tanyag lamang ito marahil dahil sa mga kakaibang kuwento tungkol dito.

Unang natukoy ang ganitong uri ng siheng noong taong 1977 at nakilala naman mula sa 2 dosenang ispesimen sa loob ng ilang daang taon kaya ito naging pambihira. Dagdag pa dito ang mga maling kwento at mataas nitong presyo na siyang nagpasikat dito. Noong taong1896, nagkaroon ng maling pahayag tungkol sa isang dakilang kolektor ng ‘cone shells’ na si Chris Hwars, isang Danish, na bumili ng isa nito noong taong 1792 sa isang ‘auction’ at agad itong binasag upang maging mas mahal ang nauna na nitong pag-aari na gloriamaris. Isa pang maling kwento ay ang pagkakatuklas ng 2 ispesimen sa Bohol, Pilipinas ni Hugh Cuming noong taong 1837. Ilang taon naman ang lumipas at may ulat na isang matinding lindol ang lumamon sa ‘living gonads’ ng bagong ‘extinct’ na siheng ito, bagay na nakapagpataas ng presyo nito. Nitong taong 1962, isang ispesimen ang naibenta sa halagang $2,000. Ngunit sa pag-gamit ng ‘scuba gear’ at sa pagkakatuklas ng ilang daang ispesimen sa British Solomon Islands nitong mga huling taon, ang reyna ng siheng ito ay naibaba sa estado na karaniwan (moderately common).

Dahil sa lalim ng pinagkukunan ng siheng ito, ang ‘dredge’, galadgad, at ‘tow-net’ ay ginagamit sa pagkolekta. Isang paraan din ng pagkolekta ay ang ‘SCUBA diving’.


hango sa

ANIMAL WONDERS

A Museum Handbook for Teachers

Free Web Hosting