Philippine National Herbarium Collection
BOTANIKA
Makahiya
Ang makahiya ay halamang lumalatag, 1 m ang taas at may mga tinik sa puno. Ang mga dahon ay tumitiklop kapag nahawakan. Ang ‘leaflets’ ay pahaba, 1-1.5 cm ang haba, walang tangkay at may matulis na dulo. Ang kumpol ng bulaklak ay mahaba ang tangkay, bilog at 1 cm ang diametro. Ang bulaklak ay marami at kulay rosas. Ang bunga ay malapad, medyo pakawit at 1-2 cm ang haba.
Ito ay matatagpuan sa buong Pilipinas sa lantad at tiwangwang na lupa, sa mababa at katamtamang taas. Ito ay nagbuhat sa Timog Amerika at naging damo ng tropiko.
Ang buong halaman ay may ‘hydrocyanic acid’ samantalang ang dahon at katawan ay nagtataglay ng ‘mimosides’ at ‘memosides’: (glycosides), ‘resins’, ‘saponins’ at ‘tannins’. Ang ugat ay pampaihi at ginagamit laban sa dysenterya, dysmenorya, asma at iba pang sakit. Ang dahon ay ginagamit laban sa pagtatae at dysenterya, pamamaga at sakit ng mga balakang at pantog.
hango sa