Philippine National Herbarium Collection
BOTANIKA



Aragan (Ilokano)









Ang katawan ay madilaw na kayumanggi, mga 30-50 cm ang taas, tumutubo mula sa maliit na ‘discoid holdfast’ at lumalago sa ‘subtidal’ na batuhan. Ang kanyang puno ay ‘cylindrical’, maikli, 2-3 mm ang haba at 2 mm ang diametro na nagkakaroon ng ilang sanga na makinis, ‘cylindrical’ at napisa nang bahagya. Ang susunod na mga sanga ay salitan ang tubo, maraming sanga at dahon, ‘vesicles’ at ‘receptacles’. Ang dahon ay pahaba (oblong-elliptic) o korteng binaligtad na itlog (obovate), nakatuping parang libro (conduplicate) sa dulo, may matalas na ngipin sa gilid, hugis kalso ang puno at nawawala ang ‘midrib’ sa bandang ibaba. Ang ‘vesicles’ ay pabilog o ‘obovate’, may mga pakpak na korteng tainga sa gilid at may maikling tangkay. Ang ‘receptacles’ ay ‘cylindrical’, nagsasanga ng dalawa, may ngipin na parang kulugo, 4-5mm ang haba, 1 mm ang diametro at pabilog ang mga kumpol.

Ang ‘species’ na ito ay matatagpuan sa mga dalampasigan sa buong Pilipinas. Ito ay pinanggagalingan ng ‘alginic acid’ na ginagamit sa industriya ng gamot at sa pampataba ng lupa at kilala sa pangalang ALGA-FER.


hango sa

THE PLANT WORLD

A Museum Handbook for Teachers

Free Web Hosting