Philippine National Herbarium Collection
BOTANIKA



Waling-Waling










Halamang-dapo, 8 cm ang lapad ng bulaklak, korteng itlog na pabaligtad (obovate) ang mga talulot, mangasul-ngasul na rosas na may dilaw at pulang disenyo ang kulay.

Ito ay sa Pilipinas lamang matatagpuan, sa mga mababang lugar ng Mt. Apo at Cotabato sa Mindanao, tumutubo sa mga sanga ng kahoy lalo na sa mga ‘dipterocarp’ na may 30 m o higit pa ang taas.

Ito ay kinikilalang pinakamagandang orkidya sa Pilipinas at hinahangad sa mga lokal at dayuhang pamilihan. Dahil sa labis na pangongolekta, ito ay pinaniniwalang wala na sa kanyang likas na tinutubuan bagkus ito ay pinararami ng mga nag-aalaga ng halaman. May balak na gawing pambansang bulaklak ng Pilipinas ang waling-waling.


hango sa

THE PLANT WORLD

A Museum Handbook for Teachers

Free Web Hosting