Philippine National Herbarium Collection
BOTANIKA



Pakong-tulog (Tagalog)










Gayang ipakahulugan ng pangalan nito, ang ‘species’ na ito ay kadalasang tuyong tingnan at ang ‘microphylls’ ay nakabaluktot paitaas. Ito ay muling nanariwa kapag ibinalik sa tubig. Ang halamang ito ay maliit at ang mga dahan ay nakatungkos at tuwid. Ang karaniwang tawag dito ay pakong-tulog.

Ang erbaryo ang lagayan ng mga koleksyon ng mga halaman mula sa bansa at sa ibang bayan bilang kapalit o bigay na ispesimen na galing sa ibang erbaryo. Isa sa pinakamahalagang ispesimen sa koleksyong botaniko sa PNH ay ang koleksyon ni Maximo Ramos (Ramos 13602, PNH52334) ng Selaginella tamariscina (Beauv.) Spring. Ang koleksyong ito ang isa sa pinakamatanda kung hindi man pinakamatandang koleksyon ng isang Pilipinong kolektor na nasa PNH ngayon. Kinolekta ito ni Ramos sa Rizal, Luzon noong Agosto, 1911. Bagama’t nagsimula bilang kolektor ng mga halaman sa erbaryo ng Bureau of Science noon pa mang 1904, karamihan sa kanyang mga koleksyon ay ginawang kasama ng mga banyagang kolektor kung kaya’t sila ang mga kinilalang kolektor sa mga tatak ng erbaryo. Halimbawa, siya’y kasama sa ekspedisyon sa Lamao Forest Reserve sa Bataan noong 1904 at ang nakalagay lamang sa tatak ng erbaryo ay ‘kolektor ni Ahern’. Kaya’t ang koleksyon ng Selaginella cupressina (Willd.) Spring sa Rizal noong 1905 ng kolektor ni Ahern 2689 (PNH63719) ang maaaring pinakamatandang koleksyon ng pako ni Ramos sa PNH!

Sa pagkasunog ng erbaryo ng Bureau of Science noong Pangalawang Digmaang Pandaigdig, karamihan sa mga koleksyon sa Pilipinas noong bago magkadigma ay natupok. Sa kabutihang-palad, ang mga kaparis (duplicates) na ispesimen na naipadala sa iba’t ibang erbaryo sa buong mundo dahil sa masigasig na programa ng pagpapalitan ng mga erbaryo noong panahon ng mga Amerikano ay ibinalik sa Pilipinas. Sa ngayon, ang pinakamatandang ispesimen ng pako na nakolekta sa Pilipinas sa PNH ngayon ay ang koleksyon ni Merrill at Topping noong 1904 kahit na may mga ispesimen pa rin tayo ng pako na nakolekta noong mga 1800 sa Borneo at mga kalapit bansa.

Ang gamot na galing sa Selaginella tamariscina (Beauv.) Spring ay ginagamit sa ubo, sakit sa tumbong at mga sakit ng matatanda. Sapagka’t ang halaman ay parang hind namamatay, ito ay pinaniniwalaang nagpapahaba ng buhay. Sa Tsina, ito’y ginagamit sa panggagamot ng ‘amenorrhea’ at pagdudugo sa dumi.


hango sa

THE PLANT WORLD

A Museum Handbook for Teachers

Free Web Hosting