Philippine National Herbarium Collection
BOTANIKA
GRAMINEAE / POACEAE
.
GRAMINEAE / POACEAE
Pennisetum polystachyon (Linn.) Schult.
‘Annual grass’ at masinsing nakabungkos. Ang mga dahon ay simple, ‘alternate’, pahaba ang hugis, makinis o mabalahibo. Ang kumpol ng bulaklak ay isang masinsing korteng silindrong ‘spike’, mamula-mulang lila sa dulo, madilaw na berde sa gitna, berde sa ibaba; ang kulay ay nagbabago mula sa mamulamula hanggang ‘orange brown’, ‘grayish brown’ kung matanda na; ang ‘spikelet’ ay binubuo ng 2 ‘sessile’, ‘bisexual florets’, na bawa’t isa ay may tatlong ‘dorsifixed stamens’. Ang bunga ay isang ‘caryopsis’.
Tinatawag na ‘foxtail’ (English), buntot pusa (Tagalog), ikug-kuting (Bisaya). Ito’y namumulaklak mula Oktubre hanggang Abril. Dinala dito bilang damong-ligaw, ito ay laganap sa mga sinasakang bukid at mga parang. Ito ay kalat sa Pilipinas at Timog-Silangang Asia.
Ang ‘pollen grain’ ay simple, isa ang butas; ang butas ay bilog, makapal ang balat, nakausli. Ang balat ay anyong makinis sa ilalim ng ‘light microscope’, ‘frustillate’ (circular o polygonal areas surrounded by grooves) sa ilalim ng ‘scanning electron microscope’.
hango sa