Philippine National Herbarium Collection
BOTANIKA
GANODERMACEAE
GANODERMACEAE
Ganoderma lucidum (Leys.) Karst.
Ang kanyang katawan ay matagal ang buhay, matigas, mistulang patungan at kulay mamumulang-kayumanggi. Ang tangkay at ibabaw niya ay nababalutan ng matigas at makintab na bagay na parang kandila. Ito ay ginagamit ng mga mahilig sa sining at kalikasan na pampalamuti.
Isa sa pinakapangkaraniwang dahilan ng pagkabulok ng kahoy dito sa Pilipinas. Ang Ganoderma lucidum na matatagpuan sa buong bansa. Kilala sa Silangan bilang pampalusog ng katawan, ang Ganoderma ay ginagamit ding panggamot. Ito ay kasalukuyang pinag-aaralan ng mga siyentipiko at ginagamit sa Pilipinas sa anyong tabletas o pulbos. Ito ay ginagamit para sa insomnia, asma, ulser, mataas na presyon ng dugo, almoranas at sakit sa puso. Ito ay ginagamit din sa paggawa ng mga produktong pampaganda tulad ng sabon, ‘lotion’, ‘toothpaste’, ‘cream’ at ‘moisturizer’.
hango sa