Philippine National Herbarium Collection
BOTANIKA
Voyavoy (Ivatan)
Maliit, nag-iisa at tuwid na palmera, 2 m ang taas. Ang puno ay 15 cm ang diametro at may mga labi ng pinagtubuan ng dahon. Ang dahon ay nasa dulo, siksik at umaarko, at may mahahabang tinik sa gilid ng tangkay. Ang ‘leaflets’ ay matigas, tuwid, 30 cm ang haba, berde at matulis ang dulo. Ang kumpol ng bulaklak ay hanggang 30 cm ang haba at ang mga bulaklak ay maliliit at kulay gatas. Ang bunga ay mabilog, 1 cm ang diametro, at kulay pula kung hinog.
Ito ay sa Batanes Islands lamang matatagpuan at ito’y tumutubo sa mga sukal at lantad na damuhan. Itinatanim din ito sa mga hardin at pinaparami sa pamamagitan ng buto.
Ang dahon nito ay ginagamit ng mga Ivatan sa paggawa ng pantakip sa ulo (vacul) at kapote. Ginagawa rin itong basket at iba pang yaring-kamay. Dahil sa labis na pangongolekta at madalas na sunog sa damuhan, ang halamang ito ay nanganganib na tuluyang mawala.
hango sa