Philippine National Herbarium Collection
BOTANIKA
COMPOSITAE /ASTERACEAE
COMPOSITAE / ASTERACEAE
Tridax procumbens Linn.
‘Annual’ o ‘perennial’ na damo. Ang katawan ay nakadapa o gumagapang. Ang mga dahon ay matingkad na berde, simple, ‘opposite’, ang gilid ay may mga ngipin. Ang mga bulaklak ay may mahabang tangkay. ‘head’ o ‘radiate type of capitulum’, binubuo ng ‘ray florets’ at ‘disk florets’; iilan ang ‘ray florets’, ‘pistillate’, ‘fertile’ ang ‘corolla’ ay makitid na tubo, matingkad o mapusyaw na dilaw ang ‘ligule’, 2-‘lipped’, ang labi na nasa labas ay malaki, maliit ang nasa loob; ang ‘disk floret’ ay ‘bisexual’ at ‘fertile’, ang ‘corolla’ ay magkakarugtong at korteng imbudo ang lalamunan, maikli ang tubo at 5 bahagi ang ‘limb’; ang mga ‘anthers’ ay mahaba, makitid ang ‘style’, mabalahibo sa itaas. Ang bunga ay ‘achene’, ‘oblong’, maraming ‘pappus’ at malabalahibong ‘bristles’.
Kilala sa tawag na ‘wild daisy’, ‘tridax’, ‘coat button’ (English). Ito’y namumulaklak sa buong taon, mula Enero hanggang Disyembre. Karaniwang matatagpuan na damong ligaw sa mga parang.
Ang ‘pollen grain’ ay simple, 3-‘colporate’, bilog ang hugis. Ang ‘aperture’ ay binubuo ng ‘colpus’ at butas na bilog; ang ‘colpus’ ay maikli, ang laman ay may maliit na ‘granules’; ‘os’ (‘outline’ ng butas), ‘lalongate’ (‘transversally elongated’). Ang balat ay natatakpan ng mahahaba at matutulis na tinik.
hango sa