Philippine National Herbarium Collection
BOTANIKA



Akapulko










Ito ay isang palumpong (shrub), nagsasanga at tumataas ng 3 m o higit pa. Ang dahon ay ‘pinnate’ at 60 cm ang haba. Ang ‘leaflets’ ay 16-28, bilugang pahaba, 5-15 cm ang haba at may maikling tulis sa dulo. Ang kumpol ng bulaklak ay may habang 50 cm. Ang bulaklak ay dilaw, 4 cm ang diametro at nasa puno ng mga parang dahong 2.5-3 cm ang haba. Ang bunga ay tuwid, matingkad na kayumanggi o itim kung hinog at 15 x 15 cm ang lapad. Ang mga bunga ay may pakpak sa dalawang tabi at nagtataglay ng 50-60 buto.

Ito ay matatagpuan sa lahat ng dako ng Pilipinas na nagalaw na (disturbed areas), sa mababa at katamtamang taas na lugar. Ito ay tumutubo sa mga lugar tropiko at nagmula sa tropikong Amerika at ito ay ginagamit bilang palamuti o halamang-gamot.

Ang akapulko ay isa sa mahalagang halamang-gamot ng Pilipinas. Ito’y ginagamit sa paggamot ng mga kagat na may lason at mga sugat. Ang dahon ay ginagamit na pampurga at gamot sa buni at iba pang sakit sa balat. Ang pinaglagaan ng dahon at bulaklak ay ginagamit sa brongkitis, asma at sugat sa bibig. Ang buto ay ginagamit ding pampaalis ng bulate. Kabilang sa mahalagang sangkap ng alkapulko ay ‘chrysophamic acid’ at ‘tannin’ na nasa dahon at ‘oxymethyl anthraquinone’ sa bunga.


hango sa

THE PLANT WORLD

A Museum Handbook for Teachers

Free Web Hosting