Philippine National Herbarium Collection
BOTANIKA
RHODOMELACEAE
RHODOMELACEAE
Acanthophora spicifera (Vahl) Boergesen
Ang katawan ay makatas, kumakalat, hanggang 15 cm ang taas, maluwag ang pagsasanga, may maliit na ‘discoid holdfast’; ang sanga ay natatakpan ng makapal na paikot na maliliit na mga sanga na may maikling tinik, isang katangian ng species na ito. Ang makunat (cartilaginous) na katawan na mapusyaw hanggang matingkad na kayumanggi kapag nasikatan ng araw ay nagiging dilaw o rosas sa madilim na lugar. Ito’y tumutubo sa iba’t ibang kondisyon mula sa maputik hanggang sa mabuhangin at mabatong lugar sa bahaging lumulubog sa tubig kapag ‘high tide’.
Ito ang natatanging pinagkukunan ng pinakamahalagang carrageenan, ang LAMBDA.
hango sa