Philippine National Herbarium Collection
BOTANIKA



AMARANTHACEAE









AMARANTHACEAE
Amaranthus spinosus L.



Isang tuwid na ‘shrub’ na maraming matulis na tinik sa mga sanga at sa mga kumpol ng bulaklak. Ang mga dahon ay may mahahabang tangkay, korteng ‘ovate–lanceolate’, matulis ang dulo, alun-alon ang gilid. Ang mga bulaklak ay nakakumpol, ‘axillary’ o ‘terminal panicles’, ang bawa’t ‘panicle’ ay binubuo ng masinsing babae o lalaking ‘spikes’; ang bawa’t kumpol ng bulaklak ay may tinik, bawa’t ‘floret’ ay may 5 ‘tepals’, 1 ‘tepal’ na may mahabang tinik at 5 ‘stamens’, ‘stamens dorsifixed’, ‘dorsiventral’, maikli ang ‘ovary’, ‘styles’ 3, baluktot kung magulang na. Ang buto ay isang ‘utricle’, korteng itlog, pag hinog na ay nabibiyak sa bandang ibaba, ang kulay ay makintab na itim o kayumangging-itim.

Ito’y tinatawag na uray (Tagalog), kolitis(Bisaya), ‘spiny amaranth’, ‘pigweed’ (English). Ito ay nagsasabog ng ‘polen’ sa pamamagitan ng hangin at mga insekto. Ito’y namumulaklak mula Hunyo hanggang Enero.

Ang ‘polen grain’ ay simple, ang butas ay nakakalat sa buong balat, hanggang 40 ang dami ng butas, natatakpan ng laman na maraming maliliit na tinik. Ang balat ay may maliliit na butas at maliliit na tinik.


hango sa

THE PLANT WORLD

A Museum Handbook for Teachers

Free Web Hosting