National Museum Visual arts Collection
SINING
Harana sa Maynila
Inilalarawan ng sining na ito ang pitong hugis ng musikero na nanghaharana sa isang fiesta na lalong binibigyang kulay ng mga kuwitis. Ang malakorteng itlog na bubog ay gawa ng isa sa mga pangunahing kasa ng bubog sa Amerika, ang Steuben.
Bagama’t hindi kasing sikat ng oleo-sa-canvas ang pag-uukit sa bubog, ang sining na ito ay nagtamo ng rurok sa paggawa ng mga stained glasses (bubog na may kulay) sa mga simbahan, musoleo at maging sa mga bintana ng bahay ng mga ilustrado. Sinubukang parisan ng mga makabagong alagad ng sining ang paraang Europeo sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang lokal na henyo na kung saan nagawang maging likhang sining ang ordinaryong bubog.
Si Arturo Luz na isa sa mga pangunahing makabagong pintor ay lumikha ng pag-aaral sa bubog na kung saan naitampok ang isang tradisyong Pilipino, ang harana.
hango sa