National Museum Visual arts Collection
SINING
Busto ni Mons. G. Aglipay
Ang Busto ni Mons. G. Aglipay ay nagpapakita ng kahusayan ni Guillermo Tolentino sa klasikong iskultura maging sa terra cotta o tanso, perpekto ang anatomya na may diin sa mga mata at karakter ng modelo. Mahalagang mapansin ang metikulosong detalye ng lupi at haplos ng abito at ang karakter na pagiging pinuno ng pigura.
Si Monsignor Gregorio Aglipay ay dating paring Katoliko na naging unang obispo ng Iglesia Filipina Independiente na kilala rin sa taguring Simbahang Aglipay.
Ang klasikal na istilo ng iskultura sa bansa ay pinangunahan ni Guillermo E. Tolentino. Pinagwagian niya ang adhikain ng mga klasikong manlilikha sa kabila ng ilang kritiko na pumapanig sa makabagong istilo ng sining biswal sa Pilipinas.
hango sa