National Museum Visual arts Collection
SINING
Koronasyon ng Birhen
Pinakikita dito si Birheng Maria na kinokoronahan ng Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo, na nasa pormang kalapati, bilang reyna ng langit at lupa.
Ang tema ay hinuwaran sa Ika-5 Misteryo ng Luwalhati at ng Litanya. Ito ay isa sa mga pinakalumang likhang sining sa koleksyon. Bilang pagbati kay Birheng Maria, ang tema ay ginamit sa titulong “Reyna de los Cielos”, na makikita sa tradisyong Santacruzan tuwing Mayo.
Isang bihirang likhang sining na ginawa sa primitibong pamamaraan. Ito ay tipikal ng panrelihiyong likha na maaaring mula pa noong ika-18 siglo para sa pambahay na debosyon.
hango sa