National Museum Visual arts Collection
SINING



Higanti ng Isang Ina








Pinakikita ng Higanti ng Isang Ina na gawa sa putik ang isang buwaya na sagpang ang isang tuta habang pilit na kinakagat ng inang aso ang buwaya upang masaklolohan ang tuta. Sa madaling salita, ang tuta ay simbolo ng nagdurusang anak-bayan habang ang inang aso ang naglalarawan sa inang-bayan, ang buwaya bilang simbolo ng mapang-aping dayuhan.

Bagamat napiit ang bayaning Jose Rizal sa Dapitan, Zamboanga, hindi niya inalintana ang hirap at lungkot doon. Nagawa pa niyang lumikha ng sining na nagpapakita ng kaapihan ng mga Pilipino sa kamay ng mga dayuhang Kastila. Higit sa lahat, naililok n’ya ang damdaming makabayan. Siya ang nanguna sa adhikaing kalayaan.

Nakaukit sa bandang ilalim ng likha ang mga katagang “Rizal Dapitan 1894”. Ang likhang ito ay isa sa mga mahahalagang yamang pangkalinangan ng bansa. Naisalin na rin ito sa likhang tanso.


hango sa

PRICELESS ARTWORKS

A Museum Handbook for Teachers

Free Web Hosting