National Museum Visual arts Collection
SINING



Tintang Isda









Ang Tintang Isda ay isang pintang nagpapakita ng buhay sa ilalim ng dagat na may namumukod-tanging tatlong isda na labas ang tinik. Ito ay isa mga unang likha ni Ang kiukok noong dekada 1960 na naglalarawan ng mga pigurang bali-bali, hiwa-hiwalay at puno ng mga animo’y heyometrikong kalansay kabilang na ang pagpapatung-patong ng mga hugis. Isinasaad ng nasabing pintura ang pananaw ng may likha ukol sa katotohanan ng buhay.

Si Ang Kiukok na kinilala bilang Pambansang Alagad ng Sining sa taong 2002 ay nagsimula noong dekada 1960 bilang isa sa ikalawang henerasyon ng makabagong manlilikha. Ang kanyang istilong kubismo ay naimpluwensyahan ni Vicente Manansala, isa ring Pambansang Alagad ng Sining.

Ayon sa mga manunuri, ang istilong ito ni Ang Kiukok ay kumakatawan sa kanyang paniniwala sa buhay - puno ng sakit, kahirapan, pagmamalabis, at karahasan.


hango sa

PRICELESS ARTWORKS

A Museum Handbook for Teachers

Free Web Hosting