National Museum Visual arts Collection
SINING
Burol ng Nikko
Isa sa mga mainam na halimbawa ng non-figurative abstract expressionism ay ang Burol ng Nikko. Ito ang interpretasyon ni Joya ng isa sa mga burol sa Nikko, Japan. Tuwing panahon ng taglamig, ang mga bitak nito sa tuktok ay natatabunan ng niyebe. Subalit tuwing tag-init, ang mga bitak na ito ay muling nakikita, kagaya ng pagsasalarawan sa likhang ito ni Joya.
Ang likhang ito ay isang paglalarawan ng kakulangan ng tao. Ang mga kulay lupa ay kumakatawan sa mga kahinaan at limitasyon ng sangkatauhan subalit ang mga kulay ng berde at asul ay kumakatawan sa buhay at pag-asa. Ang puti naman ay kumakatawan sa niyebe na unti-unti pa lang na tumatakip sa burol. Ang prosesong pagtakip at pagkawala ng tabing ay kumakatawan sa pag-ikot ng buhay.
Si Jose T. Joya Jr. ang nagbahagi ng istilong non-figurative abstract expression sa sining biswal sa bansa. Siya rin ang nangunang pintor na gumawa ng mga likha sa ceramic na may temang Ina at anak.
Si Joya ay gumawa rin ng mga likha na katuwang ang mga tanyag na pintor na naging Pambansang Alagad ng Sining gaya nina Cesar Legaspi, Hernando Ocampo, at Vicente Manansala.
hango sa