National Museum Visual arts Collection
SINING
Gobernador Dasmariñas
Sa Gobernador Dasmariñas, naipakita ni Hidalgo ang kataasan ng simbahan sa pamahalaang Kastila. Bukod sa isang halimbawa ng makasaysayang likhang sining, pinakikita dito ang isang Dominikong prayle na nagdidikta kay Gobernador Dasmariñas upang pirmahan ang isang dokumento, na ipinapalagay ng mga historyador na nagbibigay pahintulot sa militar na tulungan ang hari ng Cambodia.
Noong panahon ng Kastila, ang mga prayle ang kinikilalang makapangyarihan sa pamahalaan. Wala pa noong pagkakabukod ang relihiyon at estado. Si Felix R. Hidalgo, kontemporaryo ni Juan Luna, ay isa sa mga gumamit ng sining biswal upang hubdan ng maskara at ipakita ang totoong anyo ng mga namumuno sa bansa.
Ang likhang sining na ito ay dating matatagpuan sa Palasyo ng Malakanyang.
hango sa