National Museum Visual arts Collection
SINING
Pagbaba ni Hesus Mula sa Krus
Ang Pagbaba ni Hesus Mula sa Krus, na may istilong mataas na relyebe, ay hango sa orihinal na oleo-sa-canvas ni Reuben. Pinapakita dito ang pagbaba ng katawan ni Hesus mula sa krus sa pagtutulungan nina Jose ng Arimathea, kanyang mga alagad, at ni Birheng Maria. Kamangha-mangha sa likhang ito ay ang detalyadong pag-ukit ng mga pigura.
Ang relyebeng ito ay paglalarawan ng ika-13 Istasyon ng Krus na makikita sa lahat ng simbahang Katoliko. Ang Istasyon ng Krus ay naging paraan ng simbahan upang ipaabot sa masa ang mga pangyayari sa Biblia.
Si Graciano T. Nepomuceno ay isa sa mga pangunahing iskultor at santero noong unang bahagi ng 1900. Siya ang nanguna kay Guillermo Tolentino, Pambansang Alagad ng Sining, sa Unibersidad ng Pilipinas.
hango sa