National Museum Visual arts Collection
SINING
Pagkasunog ng Sto. Domingo
Si Fernando Amorsolo ay nagawang maipinta ang katindihan ng sunog gayundin ang pagtutulungan ng mga bombero at kaparian na mailigtas ang simbahan. Ilan sa mga mahahalagang aspeto ng likhang ito ay ang intensidad ng sunog, mga kulay, himaymay at perspektibo. Ilan sa mga unang gawa ni Amorsolo ay may ganitong istilo na hyper realistic.
Ang orihinal na istruktura, na ang disenyo at sistema ng arkitektura ay gotiko, ay dating matatagpuan sa Intramuros, Manila at pinamamahalaan ng mga paring Dominiko. Ito ay isa sa mga dating moog ng Lumang Maynila na dinarayo pa ng mga deboto dahil sa sinasabing mirakulong imahen ng Birhen ng Santo Rosaryo ng La Naval. Ang imahen ay kasalukuyang matatagpuan sa bagong simbahan ng Sto. Domingo sa Quezon Avenue, Quezon City.
Isa sa mga halimbawa ng mga makasay-sayang likhang sining, pinapakita dito ang pagkasunog ng simbahan ng Sto. Domingo na naganap noong dekada ng 1940.
hango sa