National Museum Visual arts Collection
SINING



Serye ng mga Pamaskong Kard









Ang Serye ng mga Pamaskong Kard na binubuo ng 12 mga limbag ay gawa ni Manuel Rodriguez Sr. Ang hanay na ito ay naglalarawan ng mga temang may kinalaman sa kaugalian tuwing kapaskuhan sa Pilipinas. Bagamat ito ay galing sa ibang bansa, ito ay binahiran ng katutubong pamamaraan tulad ng temang mag-ina na parangal kay Maria at Hesus, parol, lechon, tatlong haring mago, at mga palamuting pampasko. Yaman din lang na ang parol ang palagiang palamuti tuwing kapaskuhan sa Pilipinas, makikita ito sa lahat ng mga likhang sining.

Ang kapaskuhan ay isa mga inaasam-asam ng mga Pilipino kaya’t ito ay lubhang pinaghahandaan at naging pinakamahabang pagdiriwang. Bagamat maituturing na banyaga ang nasabing kaugalian, nabigyan ito ng isang maka-Pilipinong katangian kasama na rito ang pagpapadala ng pamaskong kard sa ating mga kaibigan at minamahal sa buhay.

Sa sining Pilipino, si Rodriguez ay isinaalang-alang bilang pangunahing pigura sa serigrapiya o limbag sa sutla.


hango sa

PRICELESS ARTWORKS

A Museum Handbook for Teachers

Free Web Hosting