National Museum Visual arts Collection
SINING
Pagluluklok ng Unang Krus
Pinakikita dito ang pagluluklok ng krus sa Cebu na naganap noong 1521 na pinangunahan ni Ferdinand Magellan, mga kawal na kastila, at ilang katutubong may tato na binansagang pintado. Ang orihinal na krus ay kasalukuyang matatagpuan sa isang kiosko sa harapan ng Basilica Minore ng Sto. Niño sa Cebu. Ang mural na ito ay isa sa mga pinakamahusay na halimbawa ng makasaysayang sining sa koleksyon ng Pambansang Museo.
Ang sining ni Manansala ay pinaghalong tradisyonal at makabagong pamamaraan sa larangan ng pintura. Binibigyang-diin rin sa nasabing sining ang kanyang kahusayan sa transparent cubism.
Ang likhang ito ay kinomisyon ng pamahalaan noong 1965 bilang paggunita sa ika-400 pagkakatatag ng Kristiyanismo sa bansa.
hango sa