National Museum Geological Collection
HEOLOHIYA



LUZONITE










Ilan sa pagkakakilanlan ng Luzonite ay ang pagkakaroon ng itimang kulay at malametal na kinang nito. Ito ay may sukat na 97 milimetrong haba, 71 milimetrong lapad at 62 milimetrong kapal at may bigat na 467.6 gramo. Hinalaw ang pangalan nito sa isla ng Luzon kung saan ito unang natuklasan. Ito ay naiulat na matatagpuan lamang sa 2 minahan; sa Lepanto Mines sa Mankayan, Benguet at sa abandonadong Lobo Mines sa Batangas.

Ang Luzonite ay isa sa maituturing na ‘di pangkaraniwang ores ng tanso’ at napag-alaman na may kaugnayan sa isa pang uri ng ore ng tanso na tinatawag na enargite. Sa Lobo Mines, ang luzonite ay may kaug-nayan sa mga mineral na chalcocite (isa ring uri ng ore ng tanso) at tetrahedrite (ore ng tanso at pilak). Ito ay lumilitaw bilang isang balatok (vein type deposit) na nabuo sa lava na may basaltic hanggang andesitic na sangkap. Ito ay may kaugnayan sa aktibong bulkanismo sa panahon ng Late Miocene hanggang Early Pliocene ( halos 5 milyong taon na ang nakakaraan).

Ang ispesimen na ito ay nanggaling sa Lepanto Mines sa Mankayan, Benguet. Ito ay nakuha ng Pambansang Museo sa pamamagitan ng isang donasyon noong Setyembre 10, 1982 at nakatala bilang NMM-278. Sa kasalukuyan, ito ay nakatanghal sa hanay ng mga mineral sa eksibisyon ng Heolohiya.


hango sa

EARTH'S TREASURES

A Museum Handbook for Teachers

Free Web Hosting