National Museum Geological Collection
HEOLOHIYA
Stegodon luzonensis
Ang fossil ay isang molar o bagang ng Stegodon. Ang ispesimen ay kanang bahagi ng unang bagang na may pitong palupo. Ang hulihang palupo ay sinadyang putulin upang makita ang loob nito. Ito ay may haba na 16.74 sentimetro, may lapad na 6.63 sentimetro, may kapal na 8.51 sentimetro at may bigat na isang kilo.
Ang mga Stegodon ay kaanib sa pamilyang ‘Stegodontidae’ na angkan ng ‘Proboscidea’, kung saan ang pamilya ng mga elepante ay kaanib din. Ang katangiang panlabas ng mga ito ay ang pagkakaroon ng mahaba, nababaluktot at malaman na nguso (sobrang paghaba ng ilong). Ang mga Stegodon ay mas malaki ang bungo at may mababang tuktok ang ngipin kumpara sa kasalukuyang elepante.
Si G. Sylvio M. Lopez, isang dalubhasa ng mga ‘fossil’ sa Pambansang Museo ang nakakita nito. Ito ay natagpuan sa tining ng abong galing sa bulkan na may edad na gitnang Pleystosin na kung tawagin ay talampas ng Awidon. Ito ay natagpuan noong Agosto 1973 sa hangganan ng Solana, Cagayan at Rizal, Kalinga Apayao.
hango sa