National Museum Geological Collection
HEOLOHIYA



GABBRO










Ang gabbro ay plutonic na katumbas ng volcanic na basalt. Ito ay isinasalarawan ng kanyang abo, itimang abo at itim na kulay na may bahid ng asul at berde. Ito ay may butil-butil na kayarian at magaspang na kristal. Ang ispesimeng ito ay may habang 9.8 sentimetro, lapad na 7.35 sentimetro at kapal na 3.3. sentimetro.

Ang gabbro (na malamang na nagmula sa wikang Latin na glaber na ang ibig sabihin ay makinis) ay kadalasang may susun-suson na struktura na nagpapakita ng salit-salitang suson ng putian at itimang kulay ng mga mineral. Ang bawat suson ay may kapal na ilang metro hanggang isa o dalawang sentimetro at naobserbahan na ang mga suson ay nakaayos tulad ng patung-patong na platito. Kung ang bato ay naapektuhan ng paggalaw ng mundo tulad ng pagkabaluktot at pagkahati, ang suson ay tatagilid ng matarik. Ang gabbro ay nabubuo bilang stock, sill at dike.

Ang igneous na batong ito na may Accession No. na NMR-2930 ay isa sa maraming bato na nagpapakita ng naiibang komposisyon ng mineral. Ito ay nakolekta sa Matiko Creek, Sapang Maasin Quezon, Palawan noong Nobyembre 4, 1997. Ang iba pang lugar sa Pilipinas kung saan makakakita ng gabbro ay Bulacan, Antique, Iloilo, Aklan, Agusan del Norte, Marinduque, Zambales at Camarines Sur.


hango sa

EARTH'S TREASURES

A Museum Handbook for Teachers

Free Web Hosting