National Museum Geological Collection
HEOLOHIYA
DIORITE
Ang diorite (nagmula sa wikang Griyego na diorizein, na ang ibig sabihin ay makita ang kaibahan) ay makikita sa batik batik na itim at puting kulay nito na kung minsan ay may bahid ng berde at rosas. Ang mga butil ay magagaspang at malalaki. Ang struktura ay equigranular at porphyritic. Kung minsan, ang diorite ay foliated dahil sa di ayos na pagkakahanay ng mga mineral. Ang igneous na batong ito may habang 18.2 sentimetro, lapad na 11.25 sentimetro at kapal na 10.35 sentimetro.
Ang diorite ay binubuo ng mineral na plagioclase. Ito ay maaring magkaroon ng isa o maraming ferromagnesian na mga mineral tulad ng biotite, hornblende at augite.
Ang diorite ang plutonic na katumbas ng volcanic na mineral na andesite. Ang batong ito ay masasabing hindi pangkaraniwan dahil ito ay bihirang mabuo bilang isang malaking bato. Ito ay nadedeposito bilang stock, boss at dike.
Sa Pilipinas, ang diorite ay isa sa mga importanteng bato na nagtataglay o pinagkikitahan ng ibang mahahalagang deposito ng ore tulad ng ginto, pilak at tanso. Ito ay nanggaling sa Bo. Tagbac, Antipolo, Rizal. Ito ay may Accession No. na NMR-1144 at nakuha ng Pambansang Museo sa pamamagitan ng isang donasyon mula sa MMIC-Antipolo Site. Ang iba pang lugar sa Pilipinas kung saan makakakita ng diorite ay Palawan, Bulacan, Cebu, Surigao del Norte, Rizal, Nueva Vizcaya, Zamboanga City, Bohol, Agusan del Norte, Marinduque at Camarines Norte.
hango sa