National Museum Geological Collection
HEOLOHIYA



SERICITE SCHIST










Ang sericite schist ay isinasalarawan ng kanyang nangingintab na abuhing ginintuang kulay. Ito ay nagtataglay ng katamtaman at magagaspang na mga butil at schistosity na lubos ang pagkadibelop. Pwede rin itong magkaroon ng maliliit na taluktok at ukit na nagtataglay ng halinhinang suson ng mica na sumusunod sa orihinal na bedding. Ang batong inilalarawan dito ay may habang 15.2 sentimetro, lapad na 8.65 sentimetro at kapal na 7.75 sentimetro.

Ang salitang ‘schist’ ay nangangahulugan ng isang matibay na pagkakapangkat sa pagkabuo ng bato (schistosity o foliation). Ang lantad na schistosity ng lahat ng mga schists ay bunga ng oryentasyon ng mineral.

Ang schist ay may iba’t ibang uri o klase. Kung ang pagbabatayan ay ang mga mineral, ang schist ay maaring magtaglay ng isa o maraming uri ng mineral. Isang halimbawa ng schist na may isang uri ng mineral ay ang sericite schist.

Ang pinaka-dominanteng mineral sa sericite schist ay ang napakapinong puting mica.

Ang taliptip ng mica ay pwedeng nakahubog ng paliko, nakalupi, nakalukot at sobrang crenulated.

Ang metamorphic na batong ito na mayroong Accession No. na NMR-007 ay nakolekta sa Paukan Creek, Mansalay, Mindoro Oriental noong Abril 18, 1948. Ang iba pang lugar sa Pilipinas kung saan ito matatagpuan ay Camarines Norte at Palawan.


hango sa

EARTH'S TREASURES

A Museum Handbook for Teachers

Free Web Hosting