National Museum Geological Collection
HEOLOHIYA




Rhinoceros philippinensis










Ang ispesimen ay bahagi ng itaas na parte ng kanang panga na may kasamang dalawang bagang na buo at isang bagang na basag ng rhinoceros. Ang rhinoceros ay isang hayop na nagpapasuso at may tatlong kukong makakapal sa paa. Ito ay may katawang malaki at mabigat, at ang malaking ulo nito ay may isa o dalawang sungay sa nguso. Ang ispesimen ay may haba na 12.07 sentimetro, may lapad na 6.87 sentimetro, may kapal na 9.47 sentimetro at bigat na 800 gramo.

Si G. de Asis ang nakadiskubre nito noong ika-13 ng Mayo, 1965 sa kuta ng Bonifacio. Ito ay nahukay sa latak na bahagi ng makapal na depositong abo ng bulkan na tinawag na Guadalupe Formation.


hango sa

EARTH'S TREASURES

A Museum Handbook for Teachers

Free Web Hosting