National Museum Geological Collection
HEOLOHIYA
AMMONITES
Ang ammonite ay posil o labi ng talukap/balat ng nalipol na malaking pangkat ng moluska na kasamahan ng nabubuhay na Chambered Nautilus. Ang mga ito ay ilan lamang sa pangkat na natipon ng Pambansang Museo noong Abril 1948 sa sapa ng Tignoan, Mansalay, isang bayan sa isla ng Mindoro. Kasama ito bilang isa sa mga pinakamatandang batong may posil sa kapuluan ng Pilipinas. Nasasaklaw nito ayon sa nakuha ng resulta mula sa labas at loob ng laboratoryo, ang kalagitnaang panahong Jurassic na 160-175 milyong taon nang nakaraan.
Ang unang palatandaan ng panahon ng mesozoic sa Pilipinas ay ang pagkakatuklas sa ammonites ni Ginoong Hollister ng National Development Company Petroleum Survey, noong 1940, mula sa lantad na timog ng look ng Mansalay malapit sa Colasi Pt. sa timog silangang Mindoro. Tinawag itong Mansalay formation mula sa isang distrito ng Mansalay kung saan ito natagpuan.
Ang ammonite ay isa sa pinaka-mahalaga at kapaki-pakinabang na posil hindi lamang dahil ito ang palatandaang posil (index fossil) na kilala sa Pilipinas ngunit ito ay magagamit din upang liwanagin ang lumipas na kaugnayan heograpiko ng Pilipinas sa ibang lugar. Bahagi man ng lupang Asya o hindi ang Pilipinas, malinaw na ipinakikita na bahagi ng Kapuluan ay walang alinlangang nasa ilalim ng dagat (Dagat Pasipiko) sa panahon nang pagbubuo nito.
Ang paglitaw ng posil Jurassic sa paligid ng Mansalay, Oriental Mindoro ay naiulat ng iba’t ibang may-akda tulad nina Hayasaka, 1943; De Villa, 1944; Rivera, 1954; Kobayashi, 1957; Teves, 1957; at Sato, 1961.
hango sa