National Museum Geological Collection
HEOLOHIYA



MARCASITE










Ang marcasite (FeS2) ay may kabit-kabit o tusuk-tusok na porma na may mga hiblang nagsasanga. Ito ay may kulay na maputlang tansong dilaw hanggang putian at nagpapakita ng kinang ng metal kapag itinapat sa ilaw. Ito ay may tigas na 6-6.5 sa Moh’s Scale of Hardness at timbang na 4.9. Ang mineral na marcasite ay may habang 14.45 sentimetro, lapad na 14.1 sentimetro at kapal na 7.8 sentimetro.

Ang marcasite ay isang iron sulphide na katulad ng pyrite, ang pinakamarami at kalat na sulphide mineral na matatagpuan kung saan makakakita ng deposito ng mga metal. Ito ay masasabing mas malambot kung ikukumpara sa pryrite dahil ito ay

madaling masira, bukod pa sa hindi ito karaniwan. Ito ay nabubuo sa mababang temperatura (mas mababa sa 450o sentigrado) na nanggaling sa asidong solusyon at matatagpuan sa mga mabababaw na deposito (madalas sa batong sedimentary tulad ng limestone, yeso at luwad) bilang isang kristal, concretions o kaya ay kapalit ng fossils.

Ang marcasite ay bahagyang pinagkukunan ng asupre. Pwede rin itong hatiin at pakintabin para gawing palamuti at dekorasyon.

Ang ispesimen ay nakolekta sa Brgy. Narra, San Marcelino, Zambales. Ito ay nakuha ng Pambansang Museo sa pamamagitan ng isang donasyon mula sa Benguet Corp.-DCO noong Disyembre 16, 1996 at mayroong Accession No. na NMM-714. Ang pangalang ‘marcasite’ ay galing sa wikang Arabo na ginamit noon para sa mineral na pyrite.


hango sa

EARTH'S TREASURES

A Museum Handbook for Teachers

Free Web Hosting