National Museum Geological Collection
HEOLOHIYA



Elephas












Ang hugis tatsulok na ispesimen ay isang bagang ng Elephas. Ang Elephas ay elepante na kaanib sa pamilyang ‘Elephantidae’. Ang ispesimen ay may labingtatlong suson na bumubuo ng isang kumpletong bagang. Ito ay may haba na 24.3 sentimetro, may lapad na 6.53 sentimetro at may kapal na 2.67 hangang 13.71 at may bigat na 1,800 na gramo.

Ang fossil na ito ay pinaniniwalaan na may edad na gitnang Pleystosin o 750,000 taon. Ito ay nakuha ni Dr. Felipe Landa Jocano sa isang mabatong dalisdis sa probinsiya ng Iloilo sa Sitio Bitoguan na sakop ng Barangay Jelicuon sa bayan ng Cabatuan. Ito ay natagpuan sa batuhan na kinabibilangan ng batong buhangin at batong graba. Tinatawag itong ‘Cabatuan Formation’ ng mga heolohista alinsunod sa pangalan ng bayan kung saan ito ay magandang nakahantad.

Ang pagkakatuklas ng fossil na elepante sa ating bansa ay napakahalaga dahil ito ang nagpapatunay na noong unang panahon ay nagkaroon ng tulay-lupa sa pagitan ng Pilipinas at mga karatig bansa. Ang tulay-lupa ang nagsilbing daan kung saan ang malalaking hayop na ito ay nakarating sa Pilipinas.


hango sa

EARTH'S TREASURES

A Museum Handbook for Teachers

Free Web Hosting