National Museum Geological Collection
HEOLOHIYA



SERPENTINITE










Lahat ng serpentinites ay malambot, malaki, mabigat, siksik at ang pagkakabuo ay pino. Ang igneous na batong ito ay may habang 10.6 sentimetro, lapad na 8.6 sentimetro at kapal na 7.1 sentimetro. Ito ay may berde hanggang berdehang dilaw na kulay at mayroong katamtamang dulas kapag hinipo. Ang berdeng kulay ng lahat ng serpentinites ay buhat sa tinataglay na iron ng mga orihinal na mineral, na tumitingkad habang dumadami. Ang mga talc carbonates ay karaniwang kasamahan ng serpentine.

Tulad ng ipinahihiwatig ng pangalan, ang serpentinite ay binubuo halos ng mineral na serpentine. Ang plutonic na bato ng serpentinite ay walang katumbas na batong volcanic. Marahil dahil sa ang mga batong ito ay nagmula sa napakalalim na parte ng mundo at ang paggalaw nito ay hindi nakararating sa ibabaw tulad ng daloy ng lava, sila ay nadedeposito bilang stocks, dikes at lenses.

Ito ay may Accession No. na NMR-3010 at nakolekta sa Panitian, Quezon, Palawan noong Oktubre 22, 1999. Ang iba pang lugar sa Pilipinas kung saan makakakita ng serpentinite ay Mindoro Oriental, Zambales, Samar, Rizal, Antique, Camarines Norte, Aklan, Bohol, Tarlac, Marinduque, Leyte, Agusan del Norte, Surigao del Norte at Cebu. Ang serpentinite ay pwedeng hatiin at pakintabin para gawing pampalamuti o adorno.


hango sa

EARTH'S TREASURES

A Museum Handbook for Teachers

Free Web Hosting