National Museum Geological Collection
HEOLOHIYA
AZURITE
Ang azurite ay makikilala sa tinding pagka-asul na kulay nito, kinang na parang sa baso at pagbubula sa hydrochloric acid. Ito ay madaling madurog at mayroong conchoidal na tipak. Ito ay may timbang na 3.7-3.8 at tigas na 3.5-4 sa Moh’s Scale of Hardness. Ang pangalang azurite ay tumutukoy sa kanyang kulay. Ang mineral na ito ay may habang 11.5 sentimetro, lapad na 10.3 sentimetro at kapal na 7.55 sentimetro.
Ang azurite ay ore ng tanso pero hindi karaniwan na carbonate ng tanso kung ikukumpara sa malachite, ang berdeng carbonate ng tanso, pero pareho sila ng pinagmulan at asosasyon.
Ang azurite, ang asul na carbonate ng tanso, ay may komposisyon na Cu(CO3)2(OH)2 kung saan ang 55.1 porsiyento ay binubuo ng tanso. Ito ay natagpuan na may asosasyon sa iba pang oxidized na tansong mineral sa pook ng weathering ng bato o deposito ng tanso.
Ang pangunahing gamit nito (bilang ore ng tanso) ay sa industriya ng elektrikal bilang daluyan ng koryente at mga kagamitang elektrikal. Ito rin ay madalas na ginagamit bilang panghalong sangkap sa mga metal. Ang asin ng tanso ay ginagamit sa iba’t ibang industriya bilang pamatay ng mikrobyo, at sa fungicide sa paggawa ng kemikal, pag-iimprenta, pagkukulay ng mga tela. Ang azurite ay pwede ring hatiin at pakintabin para gawing pandekorasyon.
Ang mineral na ito ay matatagpuan sa Zambales, Marinduque, Cebu, Negros Occidental, Negros Oriental, Nueva Vizcaya, Isabela at Mindoro. Ang ispesimen na ito ay nanggaling sa Sipalay, Negros Occidental. Ito ay nakuha ng Pambansang Museo sa pamamagitan ng isang donasyon mula sa Maricalum Mining Corp. noong Marso 18, 1996. Ito ay may Accession No. NMM-632.
hango sa