National Museum Archaeological Collection
ARKEOLOHIYA
Tansong guwang na daras at hulmahan
Ang mga daras na guwang na yari sa tanso ay katangian ng unang bahagi ng Kapanahunang Metal. Natagpuan ang mga kasangkapang ito sa mga kweba sa Batu Puti at Uyaw sa Palawan; Sanga-Sanga sa Tawi-Tawi; at sa Batangas. Ang mga ito ay tinatayang may edad na 300 taon hanggang 500 taon bago ipinanganak si Kristo.
Ang luad na hulmahang natagpuan sa kweba ay nagpapahiwatig na noong panahong iyon, ginagamit muli ng mga tao ang sirang kagamitan na yari sa tanso sa paggawa ng daras na guwang. Ang kasalukuyang kasangkapan na tinatawag na wasay sa gitnang bahagi ng Pilipinas ay maaring nanggaling sa daras na guwang noong unang bahagi ng Kapanahunang Metal.
hango sa