National Museum Archaeological Collection
ARKEOLOHIYA



Palamuti na yari sa Kabibe






Noong sinaunang panahon, ang kabibe ay nililikhang kagamitan at palamuti. Ang kaunaunahang palamuti na yari sa kabibe ay natagpuan sa libingan ng isang lalaki sa kuweba ng Duyong sa Palawan. Ang kabibeng bilog na may butas sa gitna ay natagpuan malapit sa kanyang kanang tainga at ang bilog na may butas sa gilid ay natagpuan sa kanyang dibdib.

Ang ibang palamuti tulad ng hikaw, pulseras at abaloryo ay nakuha sa libingan kasama ng mga kutsara, tabo at iba pang kasangkapang yari sa kabibe.

Ang mga abaloryong yari sa iba’t-ibang uri ng balat ng kabibe ay nakuha sa ilang pook tulad ng kweba sa Arku, Cagayan, sa Ngipe’t Duldug,Palawan at kweba sa Bato, Sorgogon na kung saan nakuha ang pulseras na kabibe

Ang balat ng malaking kabya ay nililikhang malalaking abaloryo na may butas sa gitna samantalang ang palawit sa tainga ay ginigiling mula sa balat ng balisungsong. Ang bilog ay binubutasan sa gitna.

Ang pulseras na gawa mula sa itaas na balikat ng balisungsong (Conus litteratus) ay katangian ng huling bahagi ng Kapanahunang Neyolitik. Ang paikot sa balikat ng balat ang nagsisilbing dekorasyon. Natagpuan ang mga pulseras sa kweba ng Duyong at Leta-Leta sa Palawan.

Hanggang sa Kapanahunang Metal, kabibe ang pangunahing materyal na ginagamit sa paggawa ng kasangkapan at palamuti subalit, sa Kapanahunang Neyolitik umunlad ang teknolohiyang ito.

Hanggang sa kasalukuyan, ang mga taong naninirahan malapit sa kuweba ng Tabon sa Palawan ay lumilikha pa rin ng pulseras na kabibe. Gumagamit sila ng kasangkapang bato upang butasan at pakinisin ang mga palamuti.


hango sa

CULTURES OF THE PAST

A Museum Handbook for Teachers

Free Web Hosting