National Museum Archaeological Collection
ARKEOLOHIYA
TALIPTIP NA BATO
Nilikha ng sinaunang tao ang mga kagamitan mula sa bato na nagtapuan niya sa tabing ilog. Ang taliptip at kobol ang mga kaunaunahang kasangkapang ginawa niya noong Kapanahunang Palyolitik (Panahon ng Lumang Bato). Ito ay ginamit niyang kutsilyo at pangkayod.
Bago pa man natuklasan ang mga labi ng kauna-unahang tao sa Pilipinas, ang katunayan ng kanyang pagdating ay natagpuan sa isang rantso sa Cagayan-dalawang kasangkapang taliptip sa yari sa bato ang kaunaunahang kagamitan na ginawa ng tao na tinatayang 9 milyung taon na. Ang mga ito ay iniugnay sa labi ng elephas, isang sinaunang elepante.
Ang taliptip na bato ay kasangkapan na ginamit ng sinaunang Pilipino ng Kapanahunang Bato hanggang sa Unang bahagi ng Kapanahunang Metal. Ang kasangkapang ito ay nililuk sa pamamagitan ng pagpukpok sa gitna ng bato ng martilyong bato o sa pagpukpok na may buto o tabla sa pagitan ng martilyong bato at ng batong gagawing kasangkapan. Ang taliptip ay maari ring gawin sa pamamagitan ng paggamit ng lakas o diin. Tinatapyas ng manggagawa ang maliliit na taliptip sa kasangkapang bato sa pamamagitan ng buto o kahoy. Sa pamamaraang ito matatantya ang hugis at sukat ng bawat piraso. Ang mga kasangkapang taliptip ay ginagamit na kutsilyo, pangkayud at iba pang kagamitan.
Karamihan ng mga kasangkapang taliptip na nakuha sa kuweba sa Tabon, Palawan ay yari sa tsert, isang matigas na bato na kadalasan ay matatagpuan sa kalapit na ilog sa Quezon, Palawan. Ang mga kagamitang taliptip na ginamit noong Panahong Palyolitik na tinatayang 16,000 - 8,000 bago pinanganak si kristo ay natagpuan sa kweba sa Laurente, Penablanca, Cagayan; kweba ng Bolobok sa Sanga-Sanga, Tawi-Tawi (timog na bahagi ng Pilipinas). Ito ay natagpuan din sa iba’t-ibang pook sa Cagayan (hilagang bahagi ng Pilipinas) tulad ng mga kweba sa Musang, Callao, at Rabel. Hanggang sa unang bahagi ng Kapanahunang Metal, ang mga kagamitang taliptip ay ginagamit pa rin. Ito ay napatunayan nang matagpuan sa kweba ng Pintu, Isabela ang mga kasangkapang ito.
hango sa