National Museum Archaeological Collection
ARKEOLOHIYA
Bangka ng Butuan
Ang mga sinaunang bangka ay nahukay sa Butuan, Agusan del Norte noong 1978 . Siyam ang nakuhang sinaunang bangka. Ang kaunaunahaan na may edad na 320 A.D. ay nasa isang museo sa Libertad, Butuan. Ang pangalawa na tinataya noon pang 1250 A.D. ay inilipat sa Galeriya ng Pinagmulan sa pangatlong palapag ng Museum of the Filipino People. Ang pangatlong bangka na tinatayang noon pang 990 A.D. ay nasa Butuan Regional Museum.
Ang sinaunang bangka ay isang uri ng sasakyang pandagat na yari sa makapal na tabla at talasukan ang anyo ng gilid. Ang makakapal na tabla ay yari sa matitigas na kahoy katulad ng ‘doongon’ (Heriteriera littoralis).
Ang bangka ng Butuan ay maaring mag-upo ng 25 katao at kaya nitong maglakbay sa malalayong lugar. Namimili ng kalakal ang sinaunang tao sa Pilipinas sa mga dayuhang mangangalakal upang ipamahagi ito sa malalayong pook. Ang mga butil ng baso at metal na nakita sa pook kung saan natagpuan ang mga sinaunang bangka ay nagpapatunay na malawak ang kalakalang pangkaragatan sa Asya noong panahon iyon. Napantayan ng sina-unang Pilipino ang galing sa paglayag at husay sa paggawa ng sasakyang pangkaragatan ang ibang bayan sa Asya.
Ang pamamaraan ng paggawa ng bangka ay kilala mula sa Scandinavia hanggang sa Timog Pasipiko noong ikatlong siglo. Sa kasalukuyan, ang pamamaraang ito ay ginagamit pa rin sa isla ng Sibutu sa timog na bahagi ng Pilipinas.
hango sa