National Museum Archaeological Collection
ARKEOLOHIYA
Telang Banton
Ang telang Banton ang kauna-unahang telang ikat na may hiblang paayon sa Timog-Silangang Asya. Ito ay tinatayang 400 taon. Natagpuan ang telang pambalot sa patay na may kasamang bughaw at puting seramiks sa isang kabaong na yari sa kahoy sa isla ng Banton sa Romblon. Ang tela ay hinabi mula sa pula, itim at puting sinulid ng abaka.
Madali ang pamamaraan ng paghabi. Sinusukat ang mga sinulid at iniikid sa balangkas. Ito ay binabalot ayon sa disenyo sa pamamagitan ng pisi na may waks o ka- pirasong baging, pagkatapos ito ay kinukulayan. Kung tuyo na ang mga sinulid, iniaayos ito sa habihan at inuumpisahan na ang paghahabi.
Sa kasalukuyan, ang mga taga-Bontoc, Mt. Province ay gumagamit ng makulay na telang pambalot sa namatay.
hango sa