National Museum Archaeological Collection
ARKEOLOHIYA
Banga sa Manunggul
Ang kayamanang pangkultura na natagpuan noong unang bahagi ng 1960 sa kweba ng Manunggul sa Lipuun Pt., Palawan ay isang bangang ginagamit sa ikalawang paglilibing. Sa itaas na bahagi ng palayok at sa takip nito ay may nakaukit na guhit na kumokurba at pininturahan ng hematayt. Nakapatong sa takip ang isang bangka lulan ang dalawang tao - dalawang kaluluwang naglalakbay patungo sa kabilang buhay. Ang bangkero ay nakaupo sa likuran ng taong nakakrus ang mga kamay sa dibdib. Ang ayos ng mga kamay ay isang kaugaliang Pilipino na ginagawa sa mga namatay.
Walang katulad ang libingang banga sa Timog-Silangang Asya at ito’y itinuturing na isang obra maestra ng isang mahusay na manggagawa. Ang banga na tinatayang 890-710 taon bago ipinanganak si Kristo ay nagpapakita ng paniniwala ng mga Pilipino sa buhay na walang hanggan.
hango sa