National Museum Archaeological Collection
ARKEOLOHIYA



Gintong maskara ng patay








Bago dumating ang mga Kastila, gumagamit ang sinaunang Pilipino ng gintong palamuti para sa mga sa namatay. Ang mukha ng namatay ay tinatakpan ng pirasong ginto. Tinatakpan ang mga mata, ang ilong at ang bibig ng pirasong ginto. Dalawang pirasong ginto ang hinihiwa ng manggagawa. Ang unang piraso ay pinapatong niya sa isang malambot na bagay tulad ng putik o waks. Idinidiin niya ang dulo ng matulis na kasangkapan sa ginto upang ito ay magkaroon ng disenyo. Sa bawat mata ay iba-ibang disenyo ang inilalagay. Hinuhulma rin niya ang pangalawang pirasong panakip sa ilong.

Ang kaugalian ito ay galing sa Timog Tsina. Ito ay isinagawa din ng isang maliit na grupo sa Pilipinas. Ayon sa kanilang paniniwala hindi makakapasok ang masamang espiritu sa katawan ng namatay kung ito’y may maskarang ginto.

Natagpuan ang bilog na gintong pantakip sa ilong at sa mata sa isang libingan sa San Antonio, Oton, Iloilo (gitnang bahagi ng Pilipinas). Ang naturang maskara ay tinatayang may edad na labing apat hanggang labinlimang siglo (A.D.). May natagpuan ding gintong maskara sa Masao, Butuan, sa Agusan del Norte kung saan marami ang ginto noong sinaunang panahon sa pook na iyon.


hango sa

CULTURES OF THE PAST

A Museum Handbook for Teachers

Free Web Hosting